Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Dave Bornea shocked sa mga indecent proposal; Liezel Lopez nakatanggap ng ‘best gift’

INAMIN ng Kapuso hunk na si Dave Bornea na ilang beses na rin siyang nakatanggap ng indecent proposal sa social media mula sa mga taong hindi niya kakilala.

Maraming nagkakainteres ngayon sa binata, kabilang na nga ang mga beki dahil sa kanyang mga TikTok video at Instagram post kung saan nakabilad nga ang kanyang hot and hunky body.

Ayon sa “Babawiin Ko Ang Lahat” star, natutuwa siya dahil parami nang parami ang tumututok sa mga content na ina-upload niya sa TikTok at marami siyang napapasayang mga tao.

“So far po nakakatuwa naman po. Nagulat nga ako may mga page na naka-upload, tapos ang pangalan pa ng page ‘Dave Bornea’s updates’.

“Tapos ‘yung mga TikTok videos ko naka-upload doon mga recent TikTok videos ko, kaya nakakatuwa rin po, nakakataba naman po siya ng puso,” aniya pa.

Balitang marami na ring nanliligaw sa kanya ngayon dahil sa pagiging hunky TikToker, “Wow ako ang nililigawan, ang pogi ko naman! Ha-hahaha!”

Dagdag niya, “Admirers po, ligaw malabo po mangyari po ‘yun, kasi, ewan ko hindi ko naman siya nararamdaman. Pero ‘yung mga support and then ‘yung mga nagla-love, nagkakagusto sa mga video ko nararamdaman ko naman.”

Tungkol naman sa mga indecent proposal mula sa mga gustong makasama siya kapalit ng malaking halaga, inamin ng binata na nagulat siya sa mga offer.

“Noong first time ko na-experience siya, of course parang too good to be true na mga ganyang offer na malalaki.
“Pero ako hindi ko siya masyado pinagtutuunan ng pansin kasi nga parang, para saan pa siya?

“And, of course hindi ko naman gaano kakilala ‘yung mga nag-o-offer, hinahayaan ko lang siya, naa-appreciate ko naman din sila. Yun nga parang I’m not into that kaya thank you na lang,” paglilinaw pa ni Dave Bornea.

* * *

Ngayong Biyernes (May 21) na nakatakdang magtapos ang high-rating GMA Afternoon Prime drama series na “Babawiin Ko Ang Lahat” kung saan tampok ang Kapuso actress na si Liezel Lopez.

Kuwento ni Liezel, na gumaganap bilang evil half-sister ni Pauline Mendoza, marami raw siyang babaunin na masasayang alaala at magagandang aral mula sa serye.

Itinuturing na rin daw niyang second family ang buong cast ng show, “Gift sa akin ng Babawiin Ko Ang Lahat, ‘yung naging second family ko ‘yung co-actors ko.

“That’s the best gift na binigay niya sa amin and also ‘yung experience ng first lock-in taping namin, ‘yung memories. ‘Yung magaganda at masasayang memories,” aniya.

“And ayun, yung friendship na nabuo sa aming lahat, that’s the greatest gift for me,” dagdag pa ng Kapuso actress.

Tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa finale episode ng “Babawiin Ko Ang Lahat,” ngayong hapon pagkatapos ng “Karelasyon” sa GMA Afternoon Prime.

The post Dave Bornea shocked sa mga indecent proposal; Liezel Lopez nakatanggap ng ‘best gift’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments