Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

CHR, mag-iimbestiga sa pagkasawi ng isang transgender sa QC

Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) ukol sa pagpanaw ng isang transgender sa Quezon City.

Ayon kay Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR, mahigpit silang makikipag-ugnayan sa mgA awtoridad para makamit ang hustisya kay Ebeng.

“The long-held stigma and discrimination against them in our culture deny transgender people the opportunity to live freely, to enjoy equal protection under the law, and to be recognised as full members of our society,” aniya pa.

Dahil sa nasabing karahasan, umapela ang CHR na paigting ang proteksyon para sa mga miyembro ng LGBT+ community.

Maliban dito, hinikayat din nito sa pulisya na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkasawi at hinihinalang rape case kay Ebeng.

“The Commission has been relentless in pushing for the enactment of the Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill to provide legal mechanisms to hold to account perpetrators of gender-based discrimination,” ani de Guia.

Dagdag pa nito, “Now that the 2022 election is coming up, we must demand better from our elected officials, call for the urgent passage of pieces of legislation on anti-discrimination, and reject laws excluding protection of transgender persons appearing at the local and national levels.”

The post CHR, mag-iimbestiga sa pagkasawi ng isang transgender sa QC appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments