NEVER naging goal sa buhay ni Julia Barretto ang mapasaya o makuha ang suporta ng lahat ng tao dahil totoong-totoo ang kasabihan na hindi mo talaga mapi-please ang buong mundo.
Ito ang pinagdiinan ng dalaga nang matanong kung paano niya hinaharap at kinakaya ang matitinding pamba-bash at pambu-bully sa kanya ng mga netizens.
Si Julia ang guest sa online show ng model-entrepreneur na si Mikaela Lagdameo Martinez nitong nagdaang weekend at dito nga nila napag-usapan ang tungkol sa mga bashers at haters na walang ginawa sa buhay kundi ang mangnega.
Pinuri ng host si Julia dahil nga sa tapang at katatagan nito sa pagharap sa mga kontrobersya at issue na ibinabato sa kanya ng mga netizens.
Kuwento pa ni Mikaela, naging stylist na rin siya ni Julia noong bata pa ito para sa isang project.
At habang nagaganap ang panayam, biglang nag-sorry si Julia kay Mikaela dahil sa mga harsh at mean comments ng mga viewers sa nasabing online show.
Kaya naman agad humingi ng pasensya si Julia sa host ng online show, “I’m so sorry for some of these nasty comments coming up on your screen. Please don’t mind them. These people just probably have nothing better to do in their lives.”
Bwelta pa ng aktres sa mga bashers, “The funny thing is they’re leaving comments, bad comments, but they’re still watching the live.
“Let’s just be grateful to these people who are watching this live and taking time out of their day. They don’t have anything better to do,” aniya pa.
“They hate seeing you happy. Just keep remembering, these bashers have nothing better to do,” diin pa ng dyowa ni Gerald Anderson.
Inamin naman ni Mikaela na nagulat siya mga masasamang komento ng ilang nanonood sa interview niya kay Julia.
Pahayag pa ni Julia, alam niyang hindi lahat ng tao ay matutuwa sa kanya, “From the very beginning, I don’t think I made it a goal of mine to really have to please everybody.
“For example, I mean, right now I could just be sitting here, right in front of you and there would be comments trying to put me down or make me feel bad about myself.
“But what good would come out of it if I let it affect me? I just don’t believe in making it a goal to please everybody because then you’re not gonna live your life according to you and according to what you wanna do in life,” paliwanag ng dalaga.
Paalala pa niya sa lahat, “I think it’s just important from the very beginning to stay true to who you are, because there will be people who will love you and definitely there will be some that won’t, and that’s fine.
“I think it’s all about perspective at the end of the day. So, where will you shift your focus? Either with the people who don’t like you or the people who like you.
“The people who will deserve your energy or the people who appreciate you. So, I feel like it’s all about perspective also,” katwiran pa ni Julia.
The post Bakit biglang nag-sorry si Julia sa host ng online show habang ini-interview? appeared first on Bandera.
0 Comments