GAGANAP na superhero si Kim Molina sa pelikula niyang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” kasama ang reel and real partner niyang si Jerald Napoles.
Isa namang ngongo sa movie na idinirek ni Darryl Yap para sa Viva Films na mapapanood na sa June 11 na may worldwide premiere sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV, Cignal PPV at sa Vivamax.
At dahil ngongo nga si Jerald sa pelikula ay natanong si direk Darryl kung hindi kaya mag-trigger ito sa sensitivity ng netizens na kapareho ng karakter ng aktor? At hindi kaya magkakaroon ng problem since protected ang Person With Disability o PWD ng ating batas?
“I don’t want to discuss the character of Ngongo, I don’t want to discuss it in a presscon. I want to discuss it after the people have seen the movie. I don’t think kapag napanood na nila ang pelikula ay need ko pa ba i-explain. I don’t want to explain my art, I don’t want to explain my movie.
“I am assuring the public that I am showcasing the character of Ngongo via Jerald with pure sensitivity respect and utmost a concern, by the way, they are living their lives.
“I did not put any intention to ridicule, this is actually a move to show the public that ngayon nagagamot noon hindi pa but they are living and they are actually part of the community. At paano sila maiintindihan ng taong hindi ganu’n ka-sensitive.
“I think pag napanood mo na ‘yung pelikula, people will get valid with disability, will agree na they are the most sensitive people because aside from what they are coping in day to day basis sa kanilang nararamdaman physically sila pa ‘yung madalas nabu-bully, madalas nakakatanggap ng panlalait.
“So this is actually a complete opposite of as his (Ngongo) na wala namang pakiramdam, so I want the people to see that angle. I explained Jerald’s character to himself,” paliwanag ni direk Darryl.
Anyway, ang pelikula ay tungkol kay Tasha (Kim), isang babaeng may kakaibang sakit, ang Congenital Insensitivity to Pain. Dahil dito, hindi siya nakakaramdam ng kahit anong sakit maging pisikal o emosyonal. At dahil din sa kanyang kakaibang kondisyon, hindi rin alam ni Tasha kung paano ang umibig.
Hanggang sa makilala niya si Ngongo (Jerald), isang lalaking may cleft palate. Si Ngongo ang magiging daan para makaramdam si Tasha, lalo na ang saya at sakit ng pag-ibig.
Ang Congenital Insensitivity to Pain ay isang pambihirang kondisyon na hindi gaanong kilala dito sa Pilipinas.
The post Bagong movie nina Jerald at Kim magkaroon kaya ng isyu sa mga PWD? appeared first on Bandera.
0 Comments