Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Allan K payag bang magparetoke ng ilong, at babayaran pa ng P1-M?

KUNG ikaw si Allan K, papayag ka bang iparetoke ang iyong ilong sa isang kilalang cosmetic surgeon at babayaran ka pa ng P1 million?

Isa yan sa mga nakakalokang question na ibinato sa TV host-comedian nang mag-guest siya kamakailan sa isang programa ng GMA 7.

Ang nagtanong kay Allan K ay ang kaibigan at kasamahan niya sa mundo ng stand-up comedy na si  Andrew De Real.

Aniya, willing ba ang “Eat Bulaga” Dabarkads na sumailalim sa nose job kapalit ng pag-eendorso niya sa ginawang beauty enhancement sa kanya plus may additional pang P1 million talent fee.

Hindi inurungan ni Allan ang Q&A segment at diretsong sinagot ang tanong sa kanya, “Sa edad na ganito, siyempre ayoko na. Hello? Pinagkakitaan ko na ‘to nang husto.

“At para ano? Kasi nakita naman natin…nakita ko na kasi eh. Oh, iko-close up ko, ha.

“O, tumangos. Patangusin ko. Gumanda ba ko? ‘Di ba hindi? Tumangos lang.

“Maraming salamat sa mga nagmahal sa mukhang ito…maliban sa nanay at tatay ko,” ang natatawa pang chika ni Allan K.

Samantala, sa kabila ng matitinding pagsubok na pinagdaanan ng Kapuso comedian ay nananatiling positibo ang pananaw niya sa buhay kasabay ng mas tumatag pa niyang pananampalataya sa Diyos.

Nagsara man ang mga pag-aari niyang comedy bar dahil sa pandemya, may mga nagbukas namang mga bagong oportunidad at dumating na mga bonggang blessings para sa kanya.

Kabilang na nga riyan ang pagkakaroon ng bagong business at ang paglipat sa bago niyang bahay.

“’Yung luma kong bahay kasi noon ko pa talaga siya gustong ibenta kasi it was so big, na umabot na sa point na natakot na ko kasi ako na lang mag-isa doon sa buong bahay, and nalungkot na rin ako.

“And I’m so proud of our new restaurant kasi ang mga ingredients namin galing talaga sa Japan. We have our own machine na ramen-maker, ganu’n,” kuwento pa ni Allan K.

* * *

Matindi ang magiging huling pasiklaban ng mga aspiring Bida Kids sa grand finals ng singing competition ng GMA Network na “Centerstage” ngayong Linggo, May 30.

Inaasahang bigating performances ang ipamamalas ng grand finalists na sina Rain Barquin, Colline Salazar, Vianna Ricafranca at Oxy Dolorito sa kapana-panabik nilang 4-
Way battle. Sa pagtatanghal na ito, mapabilib kaya nila ang Bida Voters at Centerstage Judges na sina International Stage Performer and Soul Diva Aicelle Santos, renowned composer and musical director Mel Villena, and seasoned singer at Concert Queen Pops Fernandez?

Dapat ding abangan ang espesyal na performance ng apat na finalists kasama ang “Centerstage” host at Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Sino kaya sa apat ang mag-uuwi ng titulo bilang kauna-unahang “Centerstage” grand winner? Tutukan ang grand finale showdown ngayong Linggo, 7:40 p.m., pagkatapos ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” sa GMA.

The post Allan K payag bang magparetoke ng ilong, at babayaran pa ng P1-M? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments