NAKIUSAP si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang mga constituent na tigilan na ang pagpapadala sa kanya ng mga litrato ng kanilang pagpapabakuna – sa pwet.
Ibinuking ng binatang alkalde na may dalawang residente ng Pasig na nag-send sa kanya ng litrato matapos silang bakunahan ng anti-COVID vaccine sa kanilang “likuran.”
“Okay lang naman mabakunahan sa puwet. Normal ‘yan, medikal naman ang usapan pero pakiusap huwag n’yo na po i-send sa akin,” seryosong pahayag ni Vico sa isang live video na kalat na ngayon sa social media.
Hirit pa ng anak nina Vic Sotto at Coney Reyes sa kanyang mga nasasakupan, “Ang dami ko na pong iniisip, wag n’yo na po idagdag ‘yung puwet ninyo sa iniisip ko.”
Ipinaliwanag naman ni Vico sa publiko na may mga taga-Pasig talaga na sa kanilang pwet nagpabakuna dahil may mga tattoo ang mga ito sa magkabilang braso.
“Minsan kasi kapag may tattoo, bawal magpaturok sa braso. Hindi puwede sa tattoo site yung injection.
“Kapag sa braso, okay lang, i-send n’yo sa akin,” ang natatawa pang paalala ni Vico.
Nire-repost din kasi ni Vico sa kanyang social media ang mga pictures ng medical frontliners at ng mga residenteng nakatanggap na ng first dose ng anti-COVID-19 vaccine upang maengganyo pa ang ibang Pasigueño na magpaturok.
The post Vico nakiusap sa mga taga-Pasig: OK lang mabakunahan sa pwet, pero wag n’yo na po i-send sa akin appeared first on Bandera.
0 Comments