Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

True ba…Kelley Day, iba pang Miss Eco International candidates nagpositibo sa COVID kaya stranded sa Egypt?

NAGLABAS ng official statement si Arnold Vegafria bilang head ng Miss World Philippines Organization tungkol sa balitang nagpositibo umano sa COVID-19 ang mga kandidata sa katatapos lang na Miss Eco International beauty pageant.

Ayon sa talent manager, nakikipag-coordinate na sila sa pamunuan ng Miss Eco International para alamin ang kalagayan ng mga kandidata lalo ang pambato ng Pilipinas na si Kelley Day.

Ayon kay Vegafria, “Miss World Philippines is coordinating closely with the Miss Eco International organization in ensuring the health and safety of all the candidates in its recently concluded pageant.

“Our official candidate, Ms. Kelley Day, remains our topmost priority, and we remain optimistic as we wait the results of the organizers’ routinely medical testing procedures,” sabi ni Arnold.

Matatandaang si Kelly ang itinanghal na first runner-up sa nasabing international beauty contest na ginanap sa Baron Resort Sharm El Sheikh noong Abril 4 habang si Gizzelle Mandy Uys ng South Africa naman ang nagwagi ng korona.

May kinalaman nga ang inilabas na statement ni Arnold sa balitang stranded sa Egypt ang ilang kandidata kasama nga si Kelly dahil nag-positive umano ang mga ito sa COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng kanilang exit swab test.

Inilabas ito ng Critical Beauty sa Instagram, “A reliable source just sent me a tip informing me that some of the contestants who competed at the recently concluded @missecointernational pageant are stranded in Egypt because they tested #positive for Covid-19.

“Apparently, the pageant owner herself Dr. Amaal Rezk is also positive but didn’t tell anyone about it. Now these contestants are crying foul because they feel that the organization has abandoned them, and that they have to stay in Egypt indefinitely and pay for their own accommodations.

“When I was watching the live stream of the pageant, I did notice that not too many people in the audience were wearing mask or following social distancing. This is so revolting and irresponsible of the organization not to follow safety guidelines and be transparent about the situation. If I were a national director, I would drop the franchise!”

Ayon naman sa national director ng Miss Peru beauty pageant na si Jessica Newton, “@missperuofficial wont send another queen to this Pageant anymore.”
Ipinost din nito sa IG story ang resulta ng RT-PCR test ni Kelly na may nakalagay na “positive.”

Sa lengguwaheng espanol ay nanawagan si Jessica na huwag pabayaan ang mga kandidata na nasa Cairo ngayon.

“Espero que todos los directores se hagan cargo de inmediato de sus Reinas que estan tiradas en Egipto!  (I hope that all the directors immediately take care of their Queens who are thrown in Egypt!).”

Nabanggit ding pinalabas ang mga kandidata sa hotel nang makaalis na ang founder ng Miss Eco International na si Dr. Rezk.

“Todas las reinas reclamando de que las estan sacando del hotel, donde can a ir? @amaalrezk y su hija ya se han ido informa (All the queens claiming that they are being taken out of the hotel, where can they go? @amaalrezk and her daughter have already left based on reports).”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag ang organizers ng Miss Eco International pageant. Agad naming ilalabas ang kanilang paliwanag at gagawing paglilinaw.

The post True ba…Kelley Day, iba pang Miss Eco International candidates nagpositibo sa COVID kaya stranded sa Egypt? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments