Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Seryoso, ang bait ni bro Baron Geisler, kaya wag mag-judge agad!

 

NAKAHANAP ng kakampi at tagapagtanggol si Baron Geisler sa katauhan ng award-winning singer na si JK Labajo.

Matapang na dumepensa ang “Buwan” hitmaker sa lahat ng mga nanghuhusga at hindi pa rin naniniwala na totoong nagbagong-buhay na ngayon si Baron.

Idinaan ni JK sa social media ang pagtatanggol niya sa magaling na aktor at kilalang kontrabida kung saan sinabi niya na huwag agad mag-judge kung hindi pa alam ang buong istorya ng isang isyu o kontrobersya.

Sa kanyang Instagram, nag-post ang singer-actor ng litrato nila ni Baron kung saan ibinandera niya ang kabaitan nito at pagiging totoong tao.

“Seryoso, ang bait ni bro Baron Geisler. People shouldn’t be too quick to judge especially by just basing it off of whatever they see on the internet.

“Katulad nga ng napaka-lumang kasabihan, ‘Alamin muna ang buong storya bago mag-sampa,'” ang caption ng binata sa kanyang IG post.

Dagdag pa niyang papuri kay Baron, “You get what you give. Be kind and you’ll get kindness. Give respect and you’ll earn respect. Give love and get love in return. Stay safe everyone.”

Marami namang netizens ang sumang-ayon sa sinabi ni JK patungkol kay Baron at umaasa sila na sana’y tuluy-tuloy na nga ang pagbabago ng aktor lalo pa’t may anak na nga siya ngayon na isa sa mga dahilan ng kanyang pagbabago at pagsisikap sa buhay.

Kamakailan, inamin ni Baron na isa sa mga biggest regret niya sa buhay ay ang mamatay ang kanyang ina na hindi man lang nakita ang pagbabago niya at ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

“That night I was preparing to go to a five-day retreat. And I was sober for a while. So, I went to her room, nakaputi ako nito, long hair, may bigote, naka floral na shorts.

“And then when I said, ‘Mom, Baron here. Good boy. I’m gonna go to this retreat, I’ll see you when I get back,'” sey ni Baron.

Aniya pa, “Parang sa pelikula, she tried to stand up and say something and sabi ko, ‘What is it?’ I sort of knew na this is it so kumuha ako ng penlight chineck ko ‘yung mata ni mommy. And slowly, slowly nagdi-dilate. That’s when I knew we lost her. I was there.”

Dagdag pa ni Baron, “My dream kasi noong time na ‘yun was for my mom to see me clean. But a lot people are saying, ang dami naman na nagsasabi ngayon na, ‘She’s proud of you now.'”

Patuloy pa niya, “My recovery is not for Jamie (Evangelista, asawa niya), not for Tali (anak niya). It is for me because how can I lead a family if I am not ready, if I am not whole so I need to get to that point where I am strong enough not be tempted so easily.

“As we grow older, we evolve and hopefully we evolve for the better. I want to evolve to become a really, really good leader, a respectable man,” sabi pa ni Baron Geisler.

The post Seryoso, ang bait ni bro Baron Geisler, kaya wag mag-judge agad! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments