Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Rocco nagbukas ng sariling COVID testing center; Anthony, Hannah bida sa Heart Of Asia summer station ID

TULUY-TULOY pa rin ang pagtulong ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa mga kababayan nating nawalan ng kabuhayan at trabaho na naapektuhan ng pandemya.

Bukod sa pakikiisa sa mga relief at medical mission sa iba’t ibang panig ng bansa bilang isang registered nurse at  Philippine Navy reservist, namimigay din ng ayuda ang aktor sa mga kapuspalad na Pinoy.

At ang latest nga ay ang pagtatayo ni Rocco ng kanilang sariling COVID-19 testing company na aniya’y isa sa mga matagal na niyang planong gawin bilang tulong na rin sa pamahalaan sa pagkontra sa pandemya.

“I would love to do more, kaya tinanggap ko rin na maging ambassador for USAID to end TB (tuberculosis) and to be a voice alongside Alden Richards para tumulong talaga sa mga kababayan natin.

“We cannot be thinking of just ourselves. We have to think of everyone as well. Dito na pumapasok ‘yung unity natin and ‘yung pagtutulungan bilang isang Pilipino,” pahayag ni Rocco sa interview ng GMA.

Patuloy pa niya, “I would love to go out of my way, to go out and do talks, and really help out physically when it comes to operations.”

“We have a lot of projects with the Philippine Navy also kaya sabi ko naman sa kanila na ready ako anytime as a citizen. Siyempre there’s only so much I can do but I will do what I can,” dagdag pa ng Kapuso star sa nasabing panayam.

At kamakailan nga ay ni-launch na nga niya ang sariling COVID-19 testing center.

“One of my best moves was really starting this testing company para talaga makatulong.

“Iba rin makatanggap ng ‘Sir, salamat po na meron kayong ganitong testing facility’ or mga doctors na pumupunta sa bahay namin kaya di na namin kailangan bumiyahe.

“Because they get a lot of positive cases. Ang kailangan namin ibigay talaga sa kanila is really the education.

“So at this time, everyone should be willing to learn on what to do and how to be safe,” paliwanag pa ni Rocco.

* * *

May hatid na mensahe ng pag-asa at saya ang Heart of Asia channel ng GMA Network para sa Kapuso viewers ngayong panahon ng tag-init!

Sa official summer station ID nito na may pamagat na “Heart of Summer,” hatid ng Kapuso performers na sina Anthony Rosaldo at Hannah Precillas ang good vibes sa nakatutuwang awitin na siguradong magugustuhan ng listeners.

Kuwento ni Anthony, “Gusto kong maiparating sa mga Kapuso that we still have tons of ways to enjoy summer given the situation we are in.

“One way is watching Kapuso shows na malapit sa puso natin katulad ng mga kinahihiligan nating K-Dramas sa Heart Of Asia.

“At lahat ng mga programang ‘yan, we can enjoy right at the comfort of our home. Hindi lang tayo mae-entertain, sigurado pang safe ang family natin,” aniya.

Dagdag ni Hannah, “This summer may be different from our past ones, some of our plans and old habits could be put on hold, but we should still be thankful that we are all healthy and be able to survive up to this point.”

Simula ngayong Linggo (April 25), mapapakinggan na ang “Heart of Summer” sa Spotify at iba pang streaming platforms worldwide.

The post Rocco nagbukas ng sariling COVID testing center; Anthony, Hannah bida sa Heart Of Asia summer station ID appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments