Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Robin nagbago na ang posisyon sa bakuna: ‘Wala tayong magagawa kundi sumugal sa vaccine’

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

Dahil sa COVID-19 ay nabago ang paniniwala ni Robin Padilla sa bakuna dahil payag na siyang magpa-bakuna kasama ang mga anak at asawa pati na rin ang mga kasama nila sa bahay para maging normal na ang lahat.

Base sa video post ni Robin na nagkukuwento ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla, pina-rehistro niya ang lolo at lola niya at nakapagpa-bakuna na ang parehong senior citizen.

Say ni Mariel, “Ni-register ko po ang lolo’t lola ko at kaming lahat marami po kasi tayong mga kababayan na natatakot ‘wag po tayong magpa-vaccine and siyempre naiintindihan ko naman. May ibang nagsasabi na magiging zombie raw sila (natawa si Robin).”

Nabanggit pa ni Mariel na kaya kinailangan nila ni Robin magpabakuna para maging perfect example sa mga kasama nila dahil alam nilang hindi naman ipapahamak ng mag-asawa ang sarili nila.

Dagdag ni Binoe, “Hindi natin masisisi kung bakit sila natatakot kasi nanggaling yon sa isang vaccine, eh, Dengvaxia na maraming nadisgrasya.”

“Actually, naco-confuse sila ro’n na akala nila mamatay din sila,” sabi pa ni Mariel.

Kinuwento pa ni Mariel na hinatid niya ang lolo’t lola niya sa vaccine center at hoping na baka mabakunahan na rin siya pero pinigilan siya ni Robin na kailangang dumaan sila sa tamang proseso.

“Ayaw niya! Hindi raw kasi ako priority!” paliwanag ni Mariel.

Giit naman ni Robin, “bibili na lang tayo (vaccines). Ang sabi kasi sa batas, frontliner at senior citizen.”

Sabi rin ni Mariel, “kung mabibigyan po kayo ng pagkakataon, grab that chance po.”

Anyway, ang caption ni Robin sa video nila ni Mariel na nagtatalo dahil ayaw niya talaga magpa-bakuna.

“Ang tanging pag asa para makabalik ang ikot ng ating ekonomiya. Alam niyo po ako po ang number 1 na kontra sa vaccine. Hindi ako naniniwala talaga dyan katunayan sa mga anak namin ni Mariel, mahabang pagtatalo bago ako mapapayag na bakunahan ang mga anak ko. Mahabang paliwanagan sa pagitan ko at ng doctor.

“Pero dito sa Covid 19 naiba talaga ang takbo ng isip ko! Iba kasi ito mga kababayan, nakapaloob tayo sa pandaigdigan na digmaan dito at tanging tayo lang ang makakatulong sa sarili natin dahil apektado ang buong ekonomiya ng mundo lalo na tayo.

“Litong- lito na at gutom na ang mga tao sa atin kapag hindi pa tayo umayos mapupunta tayo sa malaking gulo. Kailangan na po natin umaksyon laban sa pananalasa nito.

“Parehas lang po tayo natatakot pero wala po tayo magagawa sa ngayon kundi ang sumugal na vaccine.

“Hirap na po ang lahat at bago pa tuluyang manghina ang ating mga katawan sa pagkabalisa kunin na natin ang pagkakataon na ito para matapos na ang virus na ito.

“Maging maingat na lang po tayo sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga tunay na nakakaalam sa gobyerno patungkol sa mga kinakatakutan natin sa pagpapabakuna.

“Ihanda ang isip at ang katawan dahil ang pinakamahalaga po kasi dito ay maniwala tayo sa isasaksak sa atin para magkaroon ng magandang epekto.

“Mga sundalo po tayo lahat ngayon sa laban na ito sa corona virus at ang tanging available na sandata natin ay ang vaccine.

“Magtiwala tayo sa Panginoong Dios at sa World Health Organization wala pong maitutulong sa atin ang pagrereklamo at pagtatalo.

“Ito na po ang oras para magtulong tulong para bumangon ang bayan. Let’s DOH it!”

Editor’s note: Nagtapos ang mga pagdinig sa Senado sa Dengvaxia na walang anumang napatunayan na may kaugnayan ang mga nangyaring pagkamatay sa bakunang ito laban sa dengue. Nananatiling ginagamit ang Dengvaxia ng Department of Health para sugpuin ang dengue sa bansa.

The post Robin nagbago na ang posisyon sa bakuna: ‘Wala tayong magagawa kundi sumugal sa vaccine’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments