Naunsyami man ang pagdaraos ng Mrs. World pageant noong nagdaang taon dahil sa pandemyang bunga ng COVID-19, sinabi naman ng kinatawan ng Pilipinas na handa na siyang sungkitin ang korona sa patimpalak na itatanghal sa Sri Lanka bago matapos ang taon.
“I am very excited to meet my pageant sisters from all over the world and make long lasting new friends. Just being at Mrs. World gives me a stronger voice to promote postpartum depression,” sinabi ni Meranie Gadiana Rahman sa Inquirer sa isang online interview.
Sinabin niyang nais niyang imulat ang marami tungkol sa postpartum depression sa pamamagitan ng entablado ng Mrs. World pageant.
“I realized that postpartum depression is so underdiagnosed and undertreated despite the fact that it has led to many suicides, including many celebrities. If I win, I will have the opportunity to travel the world and meet people who can help to make International Postpartum Depression Day a reality,” binahagi ni Rahman.
“I am a postpartum depression survivor. I went through very dark times with practically no hope to live a happy life and no effective medical treatment,” aniya. Nakatulong umano sa kanya ang pagsali sa mga pageant.
“I believe I can count on [my fellow candidates] to spread awareness about postpartum depression besides their own advocacy, and I will do the same,” ani Rahman. Ilang mga state, national, at regional pageants na rin ang nilahukan niya.
Nasungkit niya ang korona bilang Mrs. World Philippines sa Paris, France, noong 2019, na nagging daan upang maging kinatawan siya ng Pilipinas sa Mrs. World pageant.
“Mrs World is about empowering women. [It] is looking for beauty with brains,” ani Rahman. Kaya naman nagsikap siya upang makapagpamalas hindi lamang ng kagandahang panlabas, kundi maging “inner beauty” rin.
Sa pagtuntong niya sa entablado ng Mrs. World, sinabi ni Rehamn na “I will share my advocacy with whole world and make them aware that it is a real and very serious disease and it can be cured.”
Nakatanggap siya ng Diploma in Postpartum Depression noong 2018, at binuo ang “You are Loved Foundation for Postpartum Depression Awareness.”
Kamaakilan lang ay nagging laman ng balita ang reigning Mrs. World na si Caroline Jurie mula sa Sri Lanka.
Naiulat na puwersahang binawi ni Juri ang korona mula sa katatanghal na Mrs. Sri Lanka na si Pushpika De Silva at ginawad ito sa runner-up.
Ayon kay Jurie, diskwalipikado si De Slva alinsunod sa mga alituntunin sapagkat diborsiyada siya.
The post Pinay sa Hawaii kinatawan ng Pilipinas sa Mrs. World pageant appeared first on Bandera.
0 Comments