MAKALIPAS ang halos isang buwan, reunited na ang aktor na si Marco Alcaraz sa kanyang asawang si Lara Quigaman at mga anak matapos tamaan ng COVID-19.
Sumailalim sa dalawang linggong self-quarantine si Marco nang magpositibo sa killer virus kaya matagal-tagal din niyang hindi nakasama ang kanyang pamilya.
Sa kanyang Instagram page, nag-post si Lara ng litrato ng asawa kasama ang kanilang mga anak. Aniya sa caption, “Yehey! Daddy’s home!”
Ibinahagi rin ng mag-asawa sa kanilang YouTube channel ang isang video kung saan mapapanood ang pagbabalik ni Marco sa kanilang tahanan. Bago nag-self-isolation, ilang linggo ring sumabak sa lock-in taping ang aktor.
Sa isang bahagi ng vlog, ibinalita rin ni Lara na na-expose rin siya sa isang taong na-diagnose ng COVID-19.
“Nu’ng time na nalaman ko na nag-positive si Marco, nag-guest ako sa isang show tapos a few days later, tumawag din sa akin ‘yung show na ‘yun to tell me na ‘yung isa sa mga kasama ko nag-positive din.
“Eh ‘yung nag-positive na ‘yun, kami talaga ‘yung nag-interact the whole time. So sobra talaga akong kinabahan din kasi siyempre may mga bata rito. Meron akong tita na senior,” kuwento ng beauty queen turned actress
Dagdag pang pahayag ni Lara, “Nag-saliva anti-gen test din ako. Pero thank God nga kasi dito sa bahay, wala naman din talaga kaming kahit anong nararamdaman.
“Tapos tumawag si Marco para sabihin sa akin na mag-a-isolate din sila kasi ‘yung isang kasamahan din nila, nag-positive daw. So grabe talaga. Parang sabay na sabay talaga,” aniya pa.
Nagbigay din ng mensahe ang aktres sa lahat ng mga Filipino na may mga kapamilya at kaibigang tinamaan din ng killer virus.
“Do not be discouraged. Alam ko nakaka-worry talaga. Sobra talagang nakakatakot, ‘di ba, kasi ‘di natin alam kung anong pwedeng mangyari.
“Kailangan lang talaga (doble o tripleng pag-iingat). Buti nga ngayon may technology, ‘di ba. We can call each other, can FaceTime each other.
“Continue to pray lang for your loved ones. Wala talaga tayong ibang pwedeng magawa except to pray talaga, eh, and i-encourage ‘yung mahal nating naka-isolate or naka-quarantine.
“Let them know that you’re always praying for them and remind them that God is good and that nothing is impossible with God,” pahayag pa ni Lara.
“Sobra talaga akong thankful na si Marco asymptomatic lang. And although naguguluhan kami sa naging result nung mga tests niya, we are thankful that he’s asymptomatic.
“And ‘yun nga, it makes you realize talaga na wala talagang pinipiling tao ‘yung sakit, ‘yung COVID-19, ‘di ba? Parang minsan kahit gaano ka kaingat, hindi mo alam na magte-test positive ka.
“And ang dami-dami rin naming kakilala na nasa ospital or nagkasakit. I actually just got news that an old friend namatay kanina lang because of COVID-19.
“COVID-19 is really very real. Kaya it really makes you think talaga na dapat you don’t take your friends for granted, your family for granted kasi ang bilis-bilis lang ng oras.
“You don’t know what’s going to happen. So if you have the chance, hug your family. Tell them that you love them,” tuluy-tuloy na pahayag pa ni Lara Quigaman.
The post Lara na-expose sa katrabahong nag-positive sa COVID; Marco nakauwi na matapos tamaan ng virus appeared first on Bandera.
0 Comments