BINATI na ni John Lloyd Cruz ang engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa nalalapit nilang pagpapakasal.
Mismong ang Kapuso hunk actor na ang nagsabi na nagkita na sila ni Lloydie kamakailan nang pumunta ito sa bahay nila para sunduin ang anak nila ni Ellen na si Elias.
Kuwento ng aktor, walang problema sa co-parenting set-up ng kanyang fiancée at ni John Lloyd sa kanilang anak kaya wala raw dapat ikabahala ang mga tagasuporta ni Lloydie.
Sa isang radio interview, nabanggit ni Derek na si John Lloyd mismo ang sumusundo sa anak sa bahay nila kaya nu’ng minsan daw ay nagkita sila at sandaling nagkachikahan.
“Nagkita nga kami ni John Lloyd one time. Binati (congratulate) nga kami ni John Lloyd. So, very active naman siya. Siya nga ang pumupunta rito.
“Sinusundo niya si Elias kapag time ni Elias sa kanya. Siya rin minsan naghahatid sa kanya. So, wala naman kaming problema ni John Lloyd,” paniniguro pa ni Derek.
Ito raw yung araw na maagang dumating si Lloydie sa bahay niya at sakto namang gising na siya.
“Timing, e. Maaga siya sumundo, gising na ako. Nakita ko siya sa labas. Lumabas naman ako para bumati din. Bati siya, sabi niya, ‘Congratulations,'” masayang chika ni Derek sa nasabing interview.
Samantala, ibinalita rin ng hunk actor kumuha na sila ni Ellen ng application for marriage license bilang panimula sa paghahanda sa kanilang kasal.
Nauna nang sinabi ng celebrity couple na isang simpleng wedding lang ang gusto nila lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng pandemya sa bansa.
Sabi nga ni Ellen, ayaw din naman niya ng engrandeng kasalan, “We’re both on the same page because we both don’t want the big, grand wedding. I told him my dream wedding is to just elope. Ha-hahaha!
“I don’t want a big wedding, I don’t want to wear a gown, I hate gowns. We actually spoke this morning, mayroon na kaming naisip, I thought about it.
“The whole purpose of this is I want to marry you, I’m not going to marry you because I want to wear a gown or I want you to look at me like I’m the most beautiful bride in the world. So, just expect a very simple wedding,” pahayag pa last week ni Ellen.
The post John Lloyd responsableng tatay; binati ng ‘congratulations’ sina Ellen at Derek appeared first on Bandera.
0 Comments