KAHIT napakahirap, kinakaya ng Kapuso young actor na si Joaquin Domagoso na pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral.
Ito kasi ang isa sa ipinangako niya sa kanyang amang si Manila Mayor Isko Moreno nang pasukin niya ang mundo ng showbiz, ang gawing priority pa rin ang edukasyon.
Kaya naman talagang ginagawan ng paraan ni JD para mapagsabay ang pag-aaral at showbiz career at aminado siya na hindi talaga ito madali.
“It’s kind of hard kasi minsan same day ‘yung school ko and same day ‘yung parang workshop or work,” simulang pahayag ng ka-loveteam ni Cassy Legaspi sa Kapuso primetime series na “First Yaya.”
Patuloy pang kuwento ni Joaquin, “Thankful ako sa school ko na pinagbibigyan ako, binibigyan nila ako ng chance to work as an artist.
“Kinakaya ko naman po with school and other activities. Balance lang. Balance lang talaga ang kailangan kung gusto mong magtagumpay sa mga ginagawa mo. Time management,” aniya pa.
Naniniwala ang anak ni Yorme na kapag nagpursige at nagsipag ang isang tao ay maaabot talaga niya ang kanyang mga pangarap. “Kung gusto may paraan,” sey pa ng binata.
Sa isang panayam naman kay JD, natanong kung ano sa tingin niya ang career niya kung hindi siya sumabak sa pag-aartista.
“Siguro maging direktor po. Pangarap ko pa rin kasi, siyempre, sa pinupuntahan ko ngayon puwede pa ‘yun maging direction of where I’m gonna move on towards after being an artist.
“Directing movies, I want to direct a sitcom one day. That’s my dream,” dagdag pa niyang chika
The post Joaquin Domagoso pinagsasabay ang showbiz at pag-aaral: Napakahirap pero kinakaya appeared first on Bandera.
0 Comments