Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Janine mas pipiliin ang walang pumunta sa kasal: Kasi ang sad kung nobody show up to my funeral

MAS type nina Janine Gutierrez, Yesh Burce at Direk JP Habac ang dating app kaysa blind date para mas mabilis daw makita kaagad kung ano ang itsura ng kanilang ka-date.

Say ni Janine, “Ako dating app para at least nakita mo na ‘yung itsura.”

“Ako dating app din kasi hindi ako ganu’n ka-adventurous para ilagay ko ‘yung sarili ko sa sitwasyong (awkward),” sagot ni direk JP

Sang-ayon din sa kanila si Yesh, “Oo, same-same, mahirap kung blind date kasi hindi moa lam kung paano mo kakausapin.”

Sa “Would You Rather” challenge sa kanila ng “When In Manila” YouTube channel ay marami ang nalaman tungkol sa dalawang aktres na bida sa pelikulang “Dito at Doon” na idinirek ni JP mula sa TBA Studios.

Would you rather hang out with a lot of friends or enjoy alone time?

“You ask me now, siyempre pipiliin ko ‘yung a lot of friends kasi sobrang hindi na natin nakikita ang mga kaibigan natin, so nakaka-miss,” saad ni Janine.

“Totoo-totoo,” sambit naman ni Yesh.

Pero si direk JP ay mas type ang, “Ako ano, enjoy alone time and meet somenone, charing. Ha-hahaha!”

Would you rather be single for 10 years or date no one else but your most hated zodiac sign.

Naunang sumagot si Yesh, “Maging single na lang siguro ako ng 10 years. Kasi mahirap na ‘yung hate ko na zodiac sign ay hindi talaga kami nagtutugma. Leo ‘yun. Ako na lang ang magiging masaya na ako lang.”

Si direk JP, “Date. Ha-hahaha! Oo, kahit ano (zodiac sign).  Ewan ko, natatakot akong mag-isa, oh my God!”

Say naman ni Janine, “As in wala kang ide-date for 10 years?  Ide-date ko na rin siguro. Ha-hahaha! Baka meron namang medyo okay-okay sa kanila. Sa akin Taurus (hated sign).”

Would you rather question like related to your zodiac sign…kay direk JP as a Taurus who values honesty and truth — would you rather always know someone is lying pero lumalaki ang ilong mo when you do or have everyone in the world be brutally honest to you no matter what?

“Alam mo, mahaba-habang discussion ito. Kunwari sa mga works ko, gusto ko talaga brutally honest tatanggapin ko ‘yun.

“Feeling ko maturity na rin kasi dati nu’ng bata-bata pa ako takot ako sa criticism pero ngayon sobrang welcoming ko na lahat ng criticism, so, mas gusto kong honest sila. Same rin sa relationship na kunwari nag-away na akala mo okay na, pero hindi pa pala,” paliwanag ni direk JP.

Tanong kay Janine, as a Libra thrive in being among friends or huge social circles, would you rather have no one show up to your wedding or have no one show up to your funeral.

“Oh my God! I guess would rather have no one show up to my wedding na lang, pero nandoon naman ‘yung groom, di ba? Ha-hahaha! Kasi ang sad naman kung nobody show up to my funeral. So kunwari na lang gusto kong mag-elope para ‘yun na lang iisipin ko,” sagot ng girlfriend ni Rayver Cruz.

At si Yesh, as an Aries who’s all about dynamic changes and progressing in time, would you rather have 10 wishes but you can’t wish for the change in the world or would you rather have 100 million pesos.

“Ito naman tinatanong pa! Ha-hahaha! Siyempre kung…hahaha! Nahirapan (akong mag-isip)! Ayaw pang sabihin ‘yung 100 million pesos. Ito totoo to, nakaka-temp talaga ‘yung 100 million pesos pero siyempre doon na lang ako sa may 10 akong wish at least kahit paano may magawa ako para sa ibang tao. Pero ‘yung wish ko rin naman tutal 10 naman magkakaroon din ako ng 100 million pesos.”

At ang huling tanong kina Janine, Yesh at direk JP, what is the lesson you’ve learned from doing this movie (Dito at Doon) and having learned that, what advice can you share with people who maybe struggling with their own relationship or struggling to find love at this difficult time?

Sagot ni direk JP, “Ako ang natutunan ko with this project was to follow your instinct sa career, relationship, decision making.”

“Ang natutunan ko dito ay ‘yung maayos na makipag communicate sa lahat naman ng aspeto ng buhay ay kailngan mo lang din ng proper communication,” sabi naman ni Yesh.

Sang-ayon si Janine, “Ako rin parang about communication. Minsan kasi tayo, di ba ako personally napapansin ko ito, minsan pag nami-miss ko ‘yung isang tao ‘yung approach ko masungit or parang love ko ‘yung isang tao kaya ako nagagalit.

“Importante rin talaga na kung ano ‘yung nararamdaman mo ganu’n mo ipakita, ‘wag mo nang i-flaunt ng masungit o galit kasi minsan diyan pa nagkakalabuan, eh. Okay lang maging vulnerable ka or sumugal ka basta maging makatotohanan ka!”

Hayan ang daming nalaman tungkol sa “Dito at Doon” director at leading ladies. Napapanood pa rin ang movie sa KTX.ph, Cinema76@Home, Iwant TFC, Upstream at Ticket2me.  Sa darating na Mayo ay magkakaroon ito ng Global streaming at abangan ang anunsyo kung anu-anong mga bansa ito.

The post Janine mas pipiliin ang walang pumunta sa kasal: Kasi ang sad kung nobody show up to my funeral appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments