Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ion Perez pinaghubo’t hubad ni Vice Ganda sa halagang P10K

KALOKA itong si Vice Ganda.  Napaghubad niya ang kanyang  dyowang si Ion Perez sa kanyang YouTube channel.

Sa kanyang post kahapon, sumabak sa isang challenge si Ion dahil na rin sa kagustuhan ng “It’s Showtime” host.  Ang challenge ay hulaan niya sa tatlong cans  ang tutunog.

“Unang try, kapag hindi mo nahulaan, ang hububarin mo ay pangtaas. Pangawalang try, kapag hindi mo nahulaan, ang huhubarin mo pangbaba.

“O, gusto mo tatlong try.  ‘Yung panghuling try tatanggalin mo ‘yung underwear mo. ‘Yung last try, 10 thousand,” say ni Vice Ganda.

“Eh, siyempre, sa panghuling try makukuha ko na,” say ni Ion.

“Ay, hindi kasi pagpapalit-palitin ko ‘yan kaya kailangang titigan mong mabuti,” say naman ni Vice Ganda.

Noong unang round, five thousand  ang hiningi ni Ion.  Kapag hindi niya nahulaan ang lata na may tunog ay maghububad siya ng damit.

Sa unang round ay hindi nahulaan ni Ion kung nasaan ang latang may tunog kaya naman hinubad niya ang kanyang sweatshirt.

Sa pangalawang round ay hindi pa rin niya nahulaan kaya pinahubad ni Vice ang kanyang short.  Naka-boxer briefs na lang siya.

Sa third round, hindi pa rin nahulaan ni Ion ang tamang latang may tunog kaya naman pinaghubad siya ni Vice Ganda sa halagang P10,000.

Hindi makapaniwala si Ion na natalo siya. Later on, nabuking niya na kaya pala tumutunog ay dahil may nakatagong maliit na kahon sa braso ni Vice na siyang tumutunog. Buking ang vakla.

* * *

Malaki ang natutunan ni Bernadette Allyson sa kanyang role na Iren Florentino sa “Bagong Umaga.”

Hindi kasi naging madali ang buhay ng kanyang character, marami kasi itong pinagdaanan.

“Namatayan siya ng anak dito, si Gab. Pero kailangan niyang maging matatag para dalawang anak pa niya, ‘’yung na-realize niyang anak pala niya na si Dodong at the same time si Ely na hindi naman pala niya totoong anak.  Pero all her life, akala niya’yun ang tunay niyang anak,” say ni Bernadette.

“Mahal na mahal niya ang asawa niya, tatanggapin niya lahat, pambubugbog and everything. But then that was the start. Tapos nagkaroon ng realization na kailangan niyang ipaglaban ang mga anak niya.

“Ako, naka-relate ako doon kasi nanay na ako. ‘Yung unconditional love ng mga nanay sa kanilang mga anak can bring us to a lot of places. Lahat gagawin mo para sa kanila,” dagdag pa ni Bernadette.

May linyang tumatak kay Bernadette sa isang eksena niya rito kung saan sinabi ng character niya na “Ang pagmamahal ng isang nanay sa kanyang anak ay hindi lang from pusod to pusod kundi puso sa puso.”

“Meaning you can also love (someone) kahit hindi mo kadugo,” saad  niya.

Actually, challenge sa kanya ang kanyang role lalo pa’t hindi naman siya madrama sa totoong buhay.

“I can relate kasi nanay na rin ako.  Actually, noong tinanggap ko ‘yung role may takot ako kasi sa totoo lang hindi ako dramatic.  Ano ba ito, parati na lang akong umiiyak,” say pa ni Bernadette.

This week na magtatapos ang “Bagong Umaga”  na  mapapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC. Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.

The post Ion Perez pinaghubo’t hubad ni Vice Ganda sa halagang P10K appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments