CERTIFIED COVID-19 survivor din ang anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Gab.
Ilang araw lang matapos ibalita ni Gary na magaling na ang kanyang asawang si Angeli Pangilinan, ang anak naman niyang si Gab ang nagkuwento sa kanyang naging journey bilang COVID-19 survivor.
Sa Instagram, nag-post si Gab ng ilang photos at video habang nagdo-donate siya ng plasma sa Philippine Red Cross-National Headquarters. Dito, ipinaliwanag niya kung bakit ngayon lang niya ibinalita na tinamaan din siya ng killer virus.
“YOUR PLASMA CAN SAVE LIVES. Last November, I tested positive for COVID-19 and chose to keep it strictly between family and friends for very personal reasons.
“It wasn’t severe in any way and I fully recovered by following all protocols and by the full support of my loved ones, even from afar.
“I never planned to post about it till today because right now, WE NEED HEROES. There is another way we can fight this virus; CONVALESCENT PLASMA DONATION,” ani Gab sa kanyang caption.
Ayon sa anak ni Gary, nakakatulong ang plasma ng COVID-19 survivor sa mabilis na paggaling ng isang taong nahawa ng virus, “Plasma is the liquid part of your blood which contains antibodies that keep your body working well and helps fight off deadly diseases. In this case, COVID-19.
“Once you contract the virus and recover from it, you now have antibodies in your blood which gives you the opportunity to be a hero and save lives.
“The plasma is infused into the bloodstream of a patient who is in critical condition to help them fight the virus and recover,” aniya pa.
Sa katunanayan, isa na ngayon sa mga advocacy ni Gab bukod sa pagiging mental health ambassador, ang plasma donation awareness.
“People need to know about this. We can talk about death and recovery numbers and percentages all we want, but a life is a life. If we can save one, we’ve already won,” lahad pa ni Gab Valenciano.
The post Gab inilihim sa publiko ang pagkakaroon ng COVID: May iba pang paraan para labanan ang virus appeared first on Bandera.
0 Comments