TEENAGER pa lang ay natuto nang magyosi ang dating sexy star at fiancée ni Derek Ramsay na si Ellen Adarna.
Tumagal ng maraming taon bago niya naisipang mag-quit sa paninigarilyo at aminado siya na hindi naging madali ang proseso ng pagtigil niya sa nasabing bisyo.
Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ni Ellen kung kailan siya tumigil sa paghithit at kung paano niya napagtagumpayan ang paglaban sa yosi.
Aniya sa kanyang Instagram post, 17 years old pa lang siya nang magsimulang manigarilyo at nagtuluy-tuloy na ito hanggang sa pumasok na siya sa showbiz.
“Smoking has always been something I wanted to stop and it is a very challenging habit to get rid of.
“As I aged, I noticed how it affected my health, especially when I do physical activities,” pag-amin ng future wife ni Derek.
Tuluyan daw niyang nakalimutan ang nasabing bisyo nang makahanap siya ng alternative para rito, “I decided to look for an alternative. And found out about vaping.”
“It’s a lot better and easier especially with the fresh fruity vaping flavors available,” dagdag pa niyang pahayag patungkol paggamit ng e-vape.
Pahayag pa ni Ellen, tatlong taon na siyang cigarette free mula nang talikuran niya ang paninigarilyo.
Kung matatandaan, ibinalita ng aktres sa publiko ang kanyang physical and mental health journey. Regular din ang pagwo-workout niya ngayon kasama si Derek.
Isa nga sa mga paborito niya ay ang jump rope workout, “My favorite cardio #jumprope. To everyone asking… I do not count my jumps because of the tricks and I lose focus when I do. but, I do 5-8 rounds of 3min with 1min rest.
“Rope Brand — Biggest Loser (I’ve had this rope for more than 10 years) can’t find it anymore I prefer using plastic ropes,” chika niya sa isang Instagram post.
Ilang buwan na ang nakararaan nang sumailalim siya mental health training sa Indonesia.
“I am 101% okay now. No more meds and sadness… Just love and smiles. I am out of that black hole,” sabi pa ni Ellen matapos ang nasabing training.
Ngayong taon naman inaabangan ng madlang pipol ang magaganap na intimate wedding nila ni Derek makalipas lamang ang dalawang buwang pagsasama bilang magkarelasyon.
The post Ellen 3 taon nang hindi nagyoyosi, umaming hirap na hirap mag-quit appeared first on Bandera.
0 Comments