“COMPLICATED ang life pero we are still surviving and trying to thrive kahit ano pang nangyayari!”
Yan ang pahayag ni Vice Ganda ngayong nasa mas mahigpit na namang community quarantine ang National Capital Region at iba pang probinsya dahil sa muling pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19.
Paglalarawan ng TV host-comedian sa buhay niya ngayong tigil na naman sila sa live shows, “Hindi siya kasing hectic as before nu’ng normal hectic talaga. Sasakit ang ulo mo sa schedule.
“Pero nu’ng nagkaroon ng pandemic hindi naman siya naging hectic, ang problema naging complicated ang schedule. Kasi minsan may schedule ka tapos in a snap maka-cancel dahil ang daming pabagu-bago ng policies, ang daming ECQ levels, may MECQ, may ECQ with iron, ganyan,” ani Vice.
“Dahil sa dami ng mga pagbabago, abruptly nagtse-change ang mga schedule, ang daming trabahong naka-cancel tapos biglang hahabulin mo. So complicated ang life pero gayunpaman, we are still surviving and trying to thrive kahit ano pang nangyayari.
“Kasi ang daming ganap na magpapasakit ng ulo mo nowadays. Samantalang dati ang problema mo lang ang pinoproblema natin. Yung estado mismo natin, yung kondisyon natin at this very moment, nakakasakit ng ulo,” paliwang ni Vice sa isang panayam.
Patuloy pa ng partner ni Ion Perez, “Yung latest ECQ eh siyempre bigla-biglaan na naman naging ECQ kasi nagpasabog na naman itong si covida, so pag nalungkot ka, ang daming pumapasok sa ang iniiwasan ko.
“So para hindi mabagot ang dami kong ginawa. Bumili kami ng badminton net ni Ion. Nag-set up kami ng badminton court sa harapan ng bahay namin tapos bumili ako ng basketball ring, nagba-basketball kami ni Ion. Three days na kaming everyday nagba-basketball.
“Tapos sabi ko nga, pag hindi pa huminto itong ECQ baka bukas makalawa may beach volleyball court na rin dito sa harapan ng bahay namin.
“So lahat ginawa na namin. Nag-aaral na rin kami maglaro ng PS5, yung ganyan. So lahat ng paraan para malibang gagawin namin kasi ako especially, I choose not to be sad. So buti na nga lang, nakapag-ipon ipon ako so ngayon nakakagawa ako ng paraan para libangin at aliwin ang sarili ko,” lahad pa ng TV host-comedian.
Paalala naman ni Vice sa madlang pipol, walang masama at natural lang ang makaramdam ng negative feelings ngayong panahon na ito, “Kanya-kanyang choice yun eh kung paano ka mag-su-survive. Pero I’m not saying na dapat hindi tayo nalulungkot kasi dapat talaga hinaharap rin natin yung emosyon di ba?
“And your emotion is valid whether or not you’re happy or sad. Whatever you are feeling that is valid. Iba iba tayo ng pinagdadaanan at iba iba rin tayo ng pamamaraan kung panao mag-cope.
“Ako kasi ayokong magtagal sa lungkot na nararamdaman ko sa kabagutan kaya gagawa ako ng paraan para right away, parang Saridon, in just 15 minutes, may effect na agad, ganu’n,” aniya pa.
Patuloy pa niyang chika, “The one thing I’m most excited about this year is yung katapusan ng pandemic na ito. Kini-claim ko na this year matatapos itong pandemic na ito.
“Sayang naman yung kagandahan ko nabubulok lang sa bahay ko. Kailangan makita sa labas. Kailangan makita ito sa studio, kailangan makita ang mukha ko sa mall, sa sinehan, sayang ang kagandahan ko. Hindi ito puwede mabulok.
“Kaya kini-claim ko, matatapos itong pandemic na ito itong year na ito. I have been praying for this thing ever since every day every day pinagdadasal ko ito na magamot lahat ng may karamdaman at eventually matapos na itong pandemic and that will happen this year. That’s the one thing I’m so excited about,” ang positibo pang pananaw sa buhay ni Vice.
The post ECQ hugot ni Vice: Sayang naman yung kagandahan ko kung mabubulok lang sa bahay… appeared first on Bandera.
0 Comments