Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Doris Bigornia: BFF ko na ngayon ang dialysis, ito ang sumasalba sa buhay ko…

MULING humarap sa madlang pipol ang veteran news reporter ng ABS-CBN na si Doris Bigornia matapos sumailalim sa triple heart bypass surgery.
Sa pamamagitan ng kanyang Teleradyo program, nagpasalamat si Doris sa lahat ng nagdasal at nagparamdam sa kanya ng pagmamahal simula pa noong maospital siya dahil sa heart failure.
Maayus-ayos na raw ang kundisyon niya ngayon matapos sumailalim sa heart surgery ilang araw na ang nakararaan. Todo ang pasasalamat niya sa Diyos at sa lahat ng doktor na gumamot sa kanya.
“Unang-una talaga siyempre pa sa Diyos sa pangalawang buhay na ito. Sa mga doktor ko, hindi ko alam kung paano ko po kayo pasasalamatan,” ang bahagi ng mensahe ni Doris.
Aniya pa, napakalaking tulong ng pagdarasal at magagandang mensaheng natanggap niya mula sa mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa mabilis niyang paggaling at pag-recover.
“Pasalamatan ko rin ang mga tumulong at nanalangin na ating mga Kapamilya sa lahat ng sulok ng daigdig, America man, Canada, Australia, Europa. Talagang lahat sila, nanalangin para sa atin,” pahayag pa ng Kapamilya news correspondent habang maluha-luha.
Dagdag pang sabi ng tinaguriang Mutya Ng Masa, patuloy siyang sumasailalim sa regular dialysis dahil sa naranasang kidney failure. Bukod dito binabantayan din nila ang kanyang sugar level dahil meron siyang diabetes.
“Mahirap ‘yung dialysis, pero BFF ko na ngayon ang dialysis kasi siya rin ang sumasalba sa buhay ko,” sey ni Doris.
Diin pa niya, “Isang milagro ang nangyari sa totoo lang, at hindi ko inakala na malalagpasan ko. Kung wala kayong lahat, hindi ko magagawang malagpasan ito.
“Sabi ko nga nu’ng nakaratay ako, nakakahiya naman dun sa ilang libong tao, I don’t know kung umabot ako ng milyon ng mga tao na prayer warriors para sa akin.
“Parang nahiya naman ako kung hindi ko lalabanan kaya pinilit kong lampasan, and thank God, eto po ako, on my way to recovery. I’m hoping to see you again,” aniya pa.
Kung matatandaan, habang nakikipaglaban sa kanyang sakit ang “TV Patrol” reporter, nanawagan ng tulong pinansiyal ang kanyang pamilya para pangdagdag sa pambayad nila sa ospital sa pamamagitan ng “#FundingDoris.”
Ayon sa anak niyang si Nikki, “While we are extremely grateful to those who have helped since mommy’s admission, after having been in the hospital for more than a month (and counting); it is, unfortunately, not enough.
“We are knocking on everyone’s kind and generous hearts to help us in raising funds for mommy’s hospitalization. As a single mom, juggling her career and family, we are thankful that mommy has been able to provide for the family on her own.
“But our family of three simply cannot make ends meet – hospitalization especially in this time of the pandemic, is financially exhausting.”

The post Doris Bigornia: BFF ko na ngayon ang dialysis, ito ang sumasalba sa buhay ko… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments