SUPER thankful ang Kapuso hunk na si David Licauco sa napakainit na pagtanggap ng mga manonood sa loveteam nila ni Julie Anne San Jose.
First time magtambal sina David at Julie Anne sa pinakabagong romcom series ng GMA na “Heartful Café” na nagmarka agad sa viewers sa pilot episode pa lang nito last Monday.
Ayon kay David, nakakataba raw ng puso at mas lalo pa siyang ginaganahang magtrabaho sa magagandang comments na natatanggap niya mula sa fans nila ni Julie Anne.
“Actually, iyon ang start niya, nagugulat ako. Iyong atensiyon, ang dami na parang never kong na-experience before. Iniisip ko, baka naman sa lahat ng naging partner ni Julie, baka naman naging ganoon ang mga fans niya, di ba?” pahayag ni David sa nakaraang virtual mediacon ng “Heartful Café”.
“I asked (Julie Anne) nga na baka naman ganoon lang sila sa lahat ng nagiging ka-pair mo. But then, Julie answered na hindi, parang ngayon lang sila kinilig. So parang wow,” ang hindi pa ring makapaniwalang reaksyon ng binata.
Aniya pa, “Baka nga it might work, hopefully. Actually, sobrang natuwa ako sa mga fan niya na halos lahat ng gawin ko, almost every day silang nagtatanong na, wala man lang ba, like mag-post ako about Julie.
“Kahit ano talaga ang ginagawa ko and nakakatuwa lang, nakakapagpa-happy ka ng mga fan,” dagdag pa ni David.
Ano naman ang masasabi niya sa Kapuso singer-actress bilang leading lady? “Well, aside from the fact that we all know, sobrang talentado talaga ni Julie, but also, iyong passion niya, e. Nakikita mong gusto niya ang ginagawa niya whether it’s acting or singing.
“Alam ko na araw-araw, marami siyang ginagawa. Masipag talaga siya, walang reklamo, go-getter, very passionate. and I’m sure, maraming actors ang gustong makapareha si Julie. So it’s a blessing and honor for me,” ani David.
Muling ring binanggit ng hunk actor na talagang crush niya si Julie Anne kaya aminaso siyang medyo nailang siya sa dalaga nang mag-taping na sila para sa serye.
“Actually, doon siya nagsimula. And then, na-meet ko si Julie. Tapos, nakita ko ang post niya sa Instagram. Sabi ko, ‘Okay ‘tong si Julie a, ang ganda!’ Mga gano’n, so ayon,” sabi ng binata.
“Pero eventually, nawala rin naman iyon. Iba nga kasi si Julie na katrabaho, very professional,” pahabol pa ni David.
Hirit pa niya, “Sabi ko nga kay Julie, tinanong ko nga siya one time, ‘May plano ka pa bang umarte pagkatapos nito?’ Kasi, alam ko na ang passion niya talaga, nasa singing.
“Sabi naman niya, ‘Sige…’ Kaya sabi ko, ‘E di, okay.’ Tingnan natin,” aniya pa.
Sa tanong naman kung pwedeng mag-level up into something deeper ang loveteam nila, “Let’s see. As of right now, pandemic din kasi. Hindi ka rin makalabas, makapag-date.
“Siguro, given the chance, why not? I want to know her rin naman, deeply,” sagot ng binatang aktor.
Well, baka nga naman may chance dahil sabi nga ni Julie Anne, handa na rin daw siyang magkadyowa uli.
Napapanood ang “Heartful Café” sa GMA Telebabad at sa GMA Heart of Asia gabi-gabi after “First Yaya.”
The post David na-shock sa reaksyon ng fans ni Julie Anne sa loveteam nila sa ‘Heartful Café’ appeared first on Bandera.
0 Comments