Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Daniel namigay ng pagkain sa mga taong nasa lansangan; nagtayo rin ng community pantry sa Tacloban

BILANG bahagi ng selebrasyon para sa kanyang 26th birthday ngayong araw, nag-share muli ng kanyang blessings si Daniel Padilla sa nangangailangan nating mga kababayan.

Ito ang masayang ibinahagi ng kanyang inang si Karla Estrada sa pamamagitan ng Instagram kung saan makikita ang ilang litrato ng mga food packs na kanilang ipinamigay.

Ayon kay Karla namahagi sila ng mga pagkain sa mga taong nasa lansangan bilang pasasalamat sa isa na namang bagong taon na ibinigay kay Daniel.

“Goood mooorning!!!! Pag may birthday sa pamilya, matic na sa mga kasamahan ko sa bahay na dapat maraming imbitado!

“Pero dahil sa sitwasyon natin ay kami na lang maghahatid ng kaunting salo salo sa inyo,” ang caption ng TV host sa kanyang IG post.

“Kuya gising! Bertday ni Dj, kain tayo! Salamat sa mga volunteers ko, MAC AT JINES!” hirit pa niya.

Pinasalamatan din ng nanay ni Daniel ang kanyang mga kaibigan sa Tacloban, Leyte na punong-abala naman sa pag-oorganisa ng community pantry para ipagdiwang ang birthday ng anak.

“Maraming maraming salamat sa aking mga SANGKAY (kaibigan) sa Tacloban sa pag-organisa ng pagkakawang gawa. Ito ay buong puso nilang ginawa para sa pagsalubong sa kaarawan ni Daniel.

“Mabuhay kayo aking mga kaibigan!!! Masayang maging bahagi ng paghatid tulong sa kapwa. TO GOD BE ALL THE GLORY,” mensahe pa ng actress-TV host.

Samantala, nag-post din ang nanay ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo sa kanyang Instagram page ng birthday message para kay para kay Daniel.

“Happy 26th birthday @supremo_dp. Mahigit na 10 taon ka na naming nakilala.

“Mula nu’ng nagsisimula ka pa lang magbinata, nakita ko ang kalokohan at kapilyuhan mo sa lahat ng bagay pero napagdaanan nating lahat ang mga yan.

“Nakita din naming lahat ang tunay na Daniel John Ford: maalaga, mapagmahal at mabait na anak at kapatid,” papuri ni Mommy Min sa boyfriend ng kanyang anak.

Aniya pa, “Ngayon, muling nadagdagan na naman ng isang taon ang iyong edad. We always pray that God bless you more, gives you strength and teach you more additional knowledge to face the future.”

Kahapon, nag-celebrate rin si Daniel ng kanyang birthday sa “ASAP” at ang tanging wish niya ngayong taon ay para sa buong mundo, lalung-lalo na sa Pilipinas na patuloy na nakararanas ng hirap dulot ng pandemya.

“Ang wish ko na lang, sana maging maayos na ang situwasyon nating lahat. Para sa ating lahat, matapos na ang pagdurusa,” sabi ni Daniel.

The post Daniel namigay ng pagkain sa mga taong nasa lansangan; nagtayo rin ng community pantry sa Tacloban appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments