NANAWAGAN ang Kapamilya actress-TV host na si Anne Curtis sa gobyerno na ipaliwanag sa sambayanang Filipino ang kongkretong plano kontra COVID-19 pandemic.
Naglabas na rin ng saloobin si Anne hinggil sa pagdami muli ng nga taong tinatamaan ng killer virus sa bansa, partkular na sa Metro Manila at mga kalapit probinsya.
Mas nakaaalarma pa raw itong nangyayari ngayon kesa noong nakaraang taon dahil sa kabila nga ng pagdating ng mga anti-COVID vaccine sa Pilipinas ay saka pa umabot sa mahigit 15,000 ang nagkaka-virus sa loob lang ng isang araw.
Nitong nagdaang April 2, nakapagtala ang Department of Health ng record-high COVID-19 daily cases na 15,130 (3,709 kaso rito ay mga backlog).
Kaya naman sa kanyang Twitter page, napilitan na rin si Anne na ibandera ang nararamdamang pagkabahala at tawagin ang atensyon ng mga taong nasa posisyon.
“This is quite alarming (15,310 kaso ng COVID-19 sa isang araw lamang). Specially knowing that not everyone can/has gotten tested. So what is the plan? What are the next steps?
“I would like to think that everyone understands we have to take the necessary precautions to stay safe…
“But it would be nice to be given more light on what is to happen while waiting for vaccines to arrive… so with what hope we have left we can work together as a nation,” pahayag ng aktres.
Siguradong ramdam na ramdam ngayon ni Anne ang takot at pagkaaalarma sa patuloy na banta ng pandemya dahil narito na siya sa Pilipinas.
Nito lang February siya nakauwi sa bansa kasama ang asawa at anak matapos mag-stay sa Australia nang mahigit isang taon. Doon siya nanganak at doon na rin inabot ng lockdown.
Nitong Sabado, April 3, in-extend ng gobyerno ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine o ECQ sa National Capital Region, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna hanggang April 11.
The post COVID hirit ni Anne sa pamahalaan: So what is the plan? What are the next steps? appeared first on Bandera.
0 Comments