Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Carlo sa mga walang-awang bashers: Bakit naman pati mga sanggol na walang kalaban-laban?

“HUWAG naman sanang ganu’n kawalang puso!”

Ito ang bahagi ng panawagan ni Carlo Aquino sa lahat ng netizens na walang ginawa kundi ang magpasabog ng kanegahan at galit sa social media.

Kahit naman sinong magulang ay magagalit kapag ang mga anak na nila ang binu-bully ay binabastos ng bashers, lalo pa’t wala pang kamuwang-muwang ang sanggol na anak nina Carlo at Trina Candaza.

Imagine, talagang pinagbantaan pa ng netizen ang buhay ng panganay nina Carlo na si Baby Enola Mithi? Sinong matinong tao ang gagawa ng ganu’ng kabrutal na pananakot sa isang bata?

Sa Instagram Stories, ipinost ni Carlo ang official statement ng kanyang talent agency na Star Magic kung saan kinondena nga nito ang ginagawang pambu-bully at pagbabanta sa mga anak ng ilan nilang alagang artista.

Sabi ni Carlo sa caption, “Bakit pati mga sanggol o batang walang kalaban laban? Wala ba kayong mga anak? Pamangkin? Huwag naman sana ganun kawalang puso.”

Panawagan pa niya sa madlang pipol, “Ingatan natin ang mundong kakalakihan ng mga batang ito. Huwag nating hayaang maging marahas. Hindi lang para sa mga anak ng artista, pero para sa lahat.”

Ayon sa official statement ng Star Magic, hindi sila magdadalawang-isip na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga taong patuloy na magbabanta at mananakit sa kanilang mga talents at sa pamilya ng mga ito.

“Ang ganitong uri ng mga post ay iresponsable, walang puso, at nakakapanakit lamang sa kapwa.

“Kasama kami ng aming artists sa pagtawag ng pansin sa mga posibleng paglabag sa mga batas laban sa child abuse at sa libel ng mga indibidwal na ito,” sabi pa ng Star Magic.

Bukod sa anak ni Carlo, nabiktima rin ng online bashing ang baby ng young celebrity couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson na si Jude Trevor.

The post Carlo sa mga walang-awang bashers: Bakit naman pati mga sanggol na walang kalaban-laban? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments