Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ate Gay hindi nagpatalo sa sakit: Magaling na ako! Thank you Jesus!

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng stand-up comedian na si Gil Morales o mas kilala sa mundo ng showbiz bilang si Ate Gay ngayong mabuti na ang kanyang kundisyon.
Masayang ibinalita ng komedyante at kilalang impersonator ni Superstar Nora Aunor sa kanyang mga tagasuporta na maayos na siya ngayon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang sikat na comedian ng isang video kung saan mapapanood siya na kumakanta habang nakahiga. Aniya sa caption, “Magaling na ako. Thank you, Jesus.”

Bumuhos naman ang magaganda at inspiring comments para kay Ate Gay mula sa kanyang mga tagasuporta at mga kaibigan sa showbiz. Napuno ang sandamakmak na heart at praying emojis ang kanyang IG account.

Nitong nagdaang Marso, isinugod sa ospital si Ate Gay dahil sa pneumonia. At habang naka-confine sumailalim din siya sa swab test at negatibo naman ang resulta.

Sa kanyang Facebook post kahapon, ibinalita nga ng komedyante na talagang lumaban siya nang bonggang-bongga sa kanyang sakit at hindi siya basta-basta nagpatalo. Lahat daw ng bilin ng doktor sa kanya ay sinusunod niya.

“Tiniis kong kumain para mabuhay. Salamat sa lugaw, champorado, sopas na bumuhay sa akin ng 20 days. Maraming salamat, Lord,” sabi pa niya sa kanyang Facebook page.
Aniya pa, “Sabi ng doktor pangalawang buhay ko na daw ito. Buti daw at ginusto kong gumaling.”

Nag-FB Live rin siya para pasalamatan ang lahat ng taong tumulong at nagparamdam ng suporta at pagmamahal sa kanya na talagang sinamahan siya sa paglaban sa kanyang sakit kahit wala raw ang mga ito sa tabi niya.

“I love you sa inyong lahat. Binuksan (FB) ko po ito para lang po magpasalamat sa inyong lahat, thank you, thank you, thank you. Ito po si Ate Gay. I love you all.

“Ako po ako ay okay, okay na at lalabas na bukas (ngayong araw) kung hindi bukas ay sa susunod na bukas. Maraming salamat po sa mga nanalangin at sa mga kaibigan na tumulong sa akin, thank you,” mensahe pa ni Ate Gay.

The post Ate Gay hindi nagpatalo sa sakit: Magaling na ako! Thank you Jesus! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments