Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Yassi ipinagdarasal ang ‘paggaling’ ng Pinas; Dennis, Jennylyn nasa 2nd spot ng Netflix PH

MULING pinaalalahanan ng actress-dancer na si Yassi Pressman ang sambayanang Filipino na pahalagahan ang bawat minuto ng buhay kasama ang mga mahal natin sa buhay.

Ayon sa dalaga, walang kasiguruhan ang maaaring mangyari bukas o sa mga susunod na araw lalo na ngayong patuloy pa rin ang banta ng pandemya sa bansa.

Ani Yassi, sa gitna ng matinding pinagdaraanan ng bawat Pinoy ngayon, mahalaga pa rin ang pagtutulungan ng pamilya at ang pagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa isa’t isa.

Nagbahagi ng mensahe ang dating leading lady ni Coco Martin sa seryeng “Ang Probinsyano” sa mga Filipino sa pamamagitan ng Instagram.

Ani Yassi, “For many reason we all probably know, I’ve been realizing life is sooooooo short, it’s been very difficult for all of us.

“For all of our losses and for all of our secret battles, before we won them, with our family or alone,” sabi ng aktres.

Dagdag pa ng dalaga, “You never know what’s going to happen tomorrow and all you have is today. Keep good people around you, tell them you love them, even from a distance and cherish every moment.

“Soon we’ll all be together again, World. But here’s me and my family with some of our favorite memories.

“Sending out a prayer to the healing of our Philippines and healing of our brothers and sisters around the World. Stay safe. Can’t wait for us all to be together again soon,” aniya pa.

Ibinahagi ni Yassi sa kanyang IG followers ang kanyang inspiring message matapos isailim muli ng pamahalaan sa enhanced community quarantine ang National Capital Region at mga kalapit probinsya na tatagal hanggang April 4, dahil nga sa muling pagtaas ng COVID-19 cases.

* * *

Patok ngayon sa streaming platform na Netflix ang “I Can See You: Truly. Madly. Deadly.” series mula sa first season ng groundbreaking GMA anthology na “I Can See You.” Nasa second spot ito ngayon sa Top 10 trending shows ng Netflix Philippines.

Ang “Truly. Madly. Deadly.” ang last series sa unang season ng “I Can See You” kung saan tampok ang real-life celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kasama si Rhian Ramos.

Matapos kumalat ang kanyang scandal sa isang married man, tumakas si Coleen (Jennylyn) sa syudad at naging manager ng isang resort. Doon niya makikilala ang IT guy na si Drew (Dennis) na babago ng kanyang buhay.

Kahit pilit na tinatakasan, may magpapaalala naman ng kanyang nakaraan sa pagbabalik ng best friend-turned-enemy niyang si Abby (Rhian).

Maraming netizens ang bumilib sa kakaibang kwento ng series na pinaghalong thriller at romance, “I highly recommend Truly. Madly. Deadly series on Netflix!”

Bukod sa “Truly. Madly. Deadly.”, maaari ring mapanood sa Netflix Philippines ang ilan pang episodes ng unang season ng “I Can See You” na “Love on the Balcony,” “The Promise,” at “High-Rise Lovers.”

The post Yassi ipinagdarasal ang ‘paggaling’ ng Pinas; Dennis, Jennylyn nasa 2nd spot ng Netflix PH appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments