HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng pagkakataon si Morissette Amon na makausap ang kanyang pamilya para tuluyan nang maayos ang kanilang gusot.
Alam naman ng lahat na hindi boto ang pamilya ng Kapamilya singer sa fiancé niyang si Dave Lamar, lalo na ang tatay niyang si Amay Amon.
Naging kontrobersyal pa nga ang away ng mag-ama matapos umalis ang dalaga sa bahay ng kanyang pamilya at sumama sa kanyang boyfriend hanggang sa ma-engage na nga ang dalawa noong September, 2020.
Sa panayam ng “I Feel U” kay Morissette last Sunday, natanong siya kung kumusta na ang relasyon niya sa kanyang pamilya.
“Okay naman po sila. To be honest, hindi pa rin kami nakakapag-usap. But I’m just continuing to pray for the healing of our relationship, our family,” sagot ng dalaga na magse-celebrate na ng kanyang 10th year sa entertainment industry.
Sa kabila nito, nagpapasalamat naman si Morissette sa kanyang future husband dahil hindi lamang ito basta partner in life, kundi pati na rin sa showbiz career niya.
“Masaya (maging engaged), exciting. Ako, I am just also very grateful and blessed na ang aking fiancé po is yung mismong tao na nagpu-push sa akin and tumutulong sa aking new music na nilalabas. Editing, coloring, ilaw, siya po lahat naghe-help sa akin.
“Hindi lang siya partner sa akin sa personal life ko. He’s really helping me out sa career ko rin as well,” chika pa ni Mori.
Samantala, ibinahagi rin ng dalaga ang naging journey niya bilang performer pagkatapos niyang matalo noon sa “The Voice.”
“Siyempre, at first masakit kasi ang goal naming lahat is maabot yung pinaka-top and manalo sa competition. Hindi ko ma-deny na ako, may state ako na parang ayaw ko na.
“Yung last song ko sa ‘The Voice’, yung ‘Who You Are’, ayaw ko na siyang pakinggan. Ayaw ko na munang kumanta. Pero marami namang dumating na opportunities.
“About a year later, I got the chance to sing with Jesse J sa kanyang Araneta concert. May dahilan pa rin po ang lahat,” aniya pa.
Sa tanong kung ano ang naging motivation niya sa pagpapatuloy kumanta, “I think it’s because marami pa rin po kasing naniniwala po sa akin, marami pa ring dumating na opportunities even when I didn’t win the competition.”
“For me, meron pa rin namang chance siguro. I wanted to be an example also with others as well na kahit hindi manalo sa isang competition ay pwede pa rin talagang ituloy ang dream mo,” chika pa ng biriterang singer.
The post Morissette hindi pa rin nakakausap ang pamilya; patuloy na nagdarasal para magkaayos na appeared first on Bandera.
0 Comments