IBINANDERA na ng biriterang singer na si Katrina Velarde ang itsura niya ngayon matapos magparetoke ng kanyang ilong.
Sumailalim si Katrina, na mas kilala bilang si Suklay Diva sa rhinoplasty procedure o nose job ilang araw na ang nakararaan at ibinalita nga niya sa madlang pipol na successful ang kanyang “operasyon.”
“Tagumpay ang plano. Officially Robot. Tagilid-tagilid muna tayo. I’m so happy sa rhinoplasty ko!!! Thank you so much Dra.Maika SlatenÅ¡ek,” ang inilagay niya sa caption ng litratong ipinost sa Facebook.
In fairness, super happy naman si Katrina sa naging resulta ng pagpapa-enhance niya ng ilong kaya mas nadagdagan pa raw ang self-confidence niya ngayon.
Last week, nag-post din ang singer sa Facebook ng litrato niya habang nakahiga sa isang operating table. Dito nga niya sinabi na tinotoo na niya ang pagpaparetoke.
“Tinotoo ko na po ang chismis. It’s a konpirm. Hindi na po road to robot dahil ganap na robot na! Hahahha!” pahayag ni Katrina.
Kasunod nito, isa pang litrato ang ibinahagi niya sa FB kasama ang ilang kaibigan. Dito, makikita na namamaga pa ang mukha niya bukod pa sa plaster sa kanyang ilong.
Samantala, para patunayan na hindi naman naapektuhan ng operasyon ang boses niya, muli siyang nag-post sa Facebook ng isang video habang kumakanta siya.
At in fairness, kering-keri pa rin niya ang bumirit sa kabila ng pagpapa-nose job at walang epekto sa kanyang singing voice ang rhinoplasty procedure.
Unang nakilala si Katrina noong 2013 matapos mag-viral sa social media ang kanyang video kung saan kinakanta niya ang hit song ni Beyonce na “Dangerously in Love” habang nagsusuklay. At dito nga niya nakuha ang titulong Suklay Diva.
Nag-audition din siya noong 2012 sa “X Factor Philippines” ng ABS-CBN at taong 2011 naman nang mag-join siya sa “Talentadong Pinoy” sa TV5 bilang isa sa member ng New Born Divas, kasama sina Alyssa at Jennifer Maravilla.
Sa ngayon, isa siya sa mga judge sa reality talent search ng TV5, ang “Born To Be A Star” hosted by Matteo Guidicelli and Kim Molina.
The post Katrina Velarde tagumpay ang retoke: Tinotoo ko na po ang chismis, ganap na robot na! appeared first on Bandera.
0 Comments