KUNG hindi nagkaroon ng trabaho si JC Santos sa panahon ng pandemic ay malamang isa na siyang delivery boy ng mga pagkaing luto ng kanyang asawang chef na si Shyleena Herrera.
Namroblema kasi siya dahil sa mga bills nila na kahit nga may pandemya ay hindi naman huminto sa pagdating.
Hindi naman kaila sa lahat na matinding tinamaan ng krisis sa bansa ang entertainment industry dahil nahinto ang lahat ng taping, shooting, events at iba pa kaya maraming celebrities at event organizers ang “nganga” sa kasagsagan ng lockdown noong 2020.
May ilang film at TV producers ang naglakas-loob na kailangan nilang bigyan ng trabaho ang mga taga-production at ilang artista kaya kahit super gastos ang lock-in shooting bilang isa sa health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan para sa new normal ay pikit-mata nila itong sinuong.
Isa nga si JC sa nabigyan ng trabaho sa “Dito at Doon” ng TBA Studios at WASD Films.
Kuwento ng aktor, “Umabot na ako sa pagba-browse ng motor, tapos sinabihan ko na ‘yung wife ko na, ‘Magluto ka, ilagay natin sa garapon, idi-deliver ko na.’ Tapos pumunta na ako sa itigil ko kaya muna itong shooting shooting?
“Kasi kailangan ko rin ng pambayad ng bills at future, eh. Nag-worry ako ng konti. Pero parang isang araw lang naman dumating sa akin ‘yun. Tiisin ko pa kahit paano.
“So, doon umabot yung frustration ko. Pero ‘yung part na I have a newborn and I’m taking care of her, sobrang nagbago ‘yung mindset ko at saka ‘yung emotional side ko, ‘yun ‘yung good side na nangyari sa akin nu’ng lockdown nu’ng 2020,” paliwanag ng aktor.
Samantala, nagkaroon ng digital premiere ang “Dito at Doon” noong Marso 28, at sabi ni JC nang hindi pa niya ito napapanood ay kabadung-kabado siya at panay ang tanong sa sarili, “Maganda kaya ‘tong movie namin?”
“Nu’ng napanood ko the first time sabi ko, ‘Hay salamat maganda ‘yung pelikula. Medyo natakot ako for a moment pero ayun pala, ang sarap ng feeling pagkatapos.
“May isang scene na tumatak talaga sa akin, ‘yung frontliner na mom ni Len (Janine Gutierrez) tapos hindi niya alam kung ano na ‘yung magiging resulta tapos nakaharap na lang siya sa laptop at hindi alam kung ano magiging reaction niya, hindi niya alam kung anong gagawin niya at wala na siyang magawa dahil nasa bahay lang siya.
“Pumunta na lang siya sa balcony. So, I think naka-relate ako du’n sa part na ‘yun. What if nga naman, ano ang magiging reaction ko kung meron talaga akong family na nagkaroon or magiging suspect (COVID)? Naiiwan ka sa ere tapos hindi mo alam kung ano magiging reaction mo,” sambit ng aktor.
Gusto naming dagdagan ang kuwento ni JC tungkol sa pelikula dahil maganda ang pagkakagawa nito.
Gustung-gusto namin ang treatment na ginawa nina Direk JP Habac at Omar Sortijas na akala mo’y magkakaharap sila physically pero through zoom o video call lang pala. Wala pa kaming napanood na ganito sa local films.
Anyway, maraming makaka-relate sa “Dito at Doon” dahil kuwentong pag-ibig ito sa panahon ng lockdown na mapapanood na bukas, Marso 31 sa KTX.ph (https://www.ktx.ph/), Cinema ’76 @ Home (https://ift.tt/2PhXngJ), iWant TFC (https://tfc.tv/) , Upstream (https://upstream.ph/) at Ticket2Me (https://ticket2me.net/).
* * *
Kahit nasa bahay lang ngayong summer, dagdagan ng kulay at saya ang pakikipag-bonding kasama ang pamilya sa panonood ng mga libreng pelikula at series sa iWantTFC streaming service ngayong Abril at Mayo.
Tumakas sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng bansa kapag nanood ng movies na “Meet Me in St. Gallen,” “No Other Woman,” “Kailangan Kita,” “Suddenly It’s Magic,” “Forevermore,” “All My Life,” “Summer Love,” at ang May-December romance sa “Glorious.”
Kiligin naman sa original titles ng iWantTFC tulad ng “Me & Mrs. Cruz,” ang pinakabagong episode ng “Ampalaya Chronicles” tampok sina Ina Raymundo at Paulo Angeles, ang “Unloving U” romcom series nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, “Taiwan That You Love” na pinagbibidahan ni Barbie Imperial, at ang “Silly Red Shoes” at “Wild Little Love” ng “The Gold Squad.”
Pwede ring makasama sa saya at paglalakbay sa iba-ibang parte ng mundo sa iWantTFC originals na “Aja! Aja! Tayo sa Jeju,” kasama sina Robi Domingo, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Donny Pangilinan para ipasyal ang South Korea, “Unlisted,” tampok ang mga hindi kilalang tourist destinations sa Pilipinas, “Wreck Hunters,” kung saan makikita ang iba’t ibang underwater wrecks sa bansa, at “Find the Wasabi in Nagoya,” isang reality-game travelogue kasama si Khalil Ramos.
Handog din ng iWantTFC ang iba’t ibang lifestyle shows ng Metro. Gumala sa mga restaurant sa New York sa “The Crawl,” sa mga beach sa Pilipinas sa “Beached,” tikman ang iba’t ibang putaheng Pinoy sa “Chasing Flavors,” at magbakasyon kasama si Pia Wurtzbach sa “Pia’s Postcards.”
Pasayahin ang summer ngayong taon at panoorin ang mga ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa.
The post JC Santos nagplano nang maging delivery boy nu’ng kasagsagan ng lockdown appeared first on Bandera.
0 Comments