HINDING-HINDI malilimutan ng award-winning actress na si Janine Gutierrez ang huling super kilig moment sa buhay niya na nangyari lamang kamakailan.
No, hindi ito dahil sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz kundi dahil sa nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Kuwento ni Janine sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang pelikula na “Dito At Doon” kung saan katambal niya si JC Santos, talagang kinilig siya sinabi sa kanya ni Regine nang magkita sila sa ABS-CBN.
“Ang huling super-kilig moment ko, meron po kasing tweet si Miss Regine na nakakatawa noong nakasalubong ko po siya sa ABS na parang may sinabi siya.
“Akala raw niya, maganda na siya today, tapos nakasalubong daw niya ako. Ha-hahaha! Kilig na kilig talaga ako! Kilig na kilig ako, na may sinabi siya sa akin,” ang tumatawang chika ni Janine.
Palagi naman kasing sinasabi ng dalaga na isa ang Songbird sa mga iniidolo niya at looking forward din daw siya na makatrabaho ito ngayong pareho na silang Kapamilya.
Samantala, matapos nilang gawin ni JC ang una nilang pelikula together na “Dito At Doon” mula sa TBA Studios, umaasa ang aktres na muli silang magkakatrabaho ng aktor sa kanyang future projects.
“Sobrang okay kasi talaga si JC. Tsaka lang ako kumalma nu’ng dumating na siya sa set, eh. Sobrang okay siya talaga katrabaho. At dami ko rin talagang natutunan sa kanya,” pahayag ni Janine.
Natanong din siya sa presscon kung ano ang feeling na nakatrabaho na rin niya for the first time sa pelikula ang ina niyang si Lotlot de Leon na gumanap ding nanay niya sa “Dito At Doon.”
“Parang feeling ko I have to step-up kapag si mama yung kaeksena ko dahil nga nanay ko siya and lahat naman ng ginagawa ko ay para maging proud siya.
“On one hand it’s easier dahil nanay ko siya. On the other hand, it’s hard kasi nanay ko siya. Ha-hahaha! Pero it was very fun. Na-appreciate ko na talagang ginawan niya ng paraan na magawa niya yung pelikula sa schedule niya at lahat,” sabi pa ni Janine.
Pag-amin pa niya, “Actually, kinabahan ako eh. Mas kinabahan ako. Ewan ko ba. It was hard for me. I don’t know. Mas na-feel ko siya nung napapanuod ko na.
“Even kasi with my siblings, lahat kami pag papasok si mama tapos parang alanganin yung sitwasyon yung kapatid ko umiyak or ganyan. So parang onscreen parang nakaka-affect siya for me.
“Pero while shooting it, parang kinakabahan ako. Parang tinulungan talaga ako ni direk JP (Habac) sa eksena na yun. Na-i-starstruck siguro ako sa nanay ko,” esplika pa niya.
Kuwento pa ni Janine, isa sa mga hindi niya malilimutang eksena sa movie kasama si Lotlot ay ang, “Yung tinanong ako ng nanay ko kung sino ang bago kong kaibigan tapos yung mukha niya ganito (ipinakita ang litratong ni Lotlot na nasa cellphone niya).
“Ganu’n talaga siya tumingin sa totoong buhay. Marami talagang naka-relate so iba talaga yung mga nanau noh. May psychic powers sila. Alam nila kapag meron kang iniibig.
“Kung makatingin yung nanay iba talaga and yung nanay ko ganyan talaga kaya medyo kinilabutan ako nung pinanuod ko,” nakatawa pang pahayag ni Janine.
Mapapanood na ang “Dito at Doon” simula ngayong araw, March 31 sa mga sumusunod na streaming platforms: KTX.ph (https://www.ktx.ph/); Cinema ’76 @ Home (https://ift.tt/2PhXngJ); iWant TFC (https://tfc.tv/); Upstream (https://upstream.ph/); at Ticket2Me (https://ticket2me.net/).
Viewers outside the Philippines will also get the chance to see Dito at Doon (Here and There) through TBA Studios’ worldwide release via premium video on demand (PVOD) available soon.
The post Janine kilig na kilig sa hugot ni Regine; Lotlot may ‘psychic power’ appeared first on Bandera.
0 Comments