Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

E-numan, e-landian sa ‘Dito at Doon’ bentang-benta; Rayver malaking tulong kay Janine

ANG daming naka-relate sa mga karakter nina Janine Gutierrez bilang Len at JC Santos bilang si Caloy sa pelikulang “Dito at Doon”.

Tungkol kasi ito sa isang “love story” na nangyari sa panahon ng pandemya. Tulad ng ibang kakilala namin na nanliligaw pa lang noon ay naging dyowa na nila dahil sa tagal ng lockdown.

At dahil nga sa pagkainip ng iba dahil lockdown ay marami na rin ang na-engage noong 2020 at ngayong 2021 na nakatakdang magpakasal.

Siguro kung parehong single ang dalawang bida sa movie na sina Janine at JC ay baka nauwi rin sa totohanan ang kanilang mga “e-numan” at “e-landian” scenes sa pelikula.

Bukod dito, napuri rin ng mga kaibigan naming nanood ang bagong treatment ni Direk JP Habac sa pelikula na parang magkakaharap lang kapag nag-uusap-usap sina Victor Anastacio, Yesh Burce, JC at Janine sa pamamagitan ng zoom.

Ito rin ang nabanggit ni Janine sa ginanap na virtual mediacon ng “Dito at Doon” nitong Lunes, “Yung pagka-edit at kung paano ginawa ang pelikula, like I can see, wala pa akong napapanood na pelikula na ganon.

“Sinabi ko nga kay Direk JP ang galing ng ginawa niya sa mga usapan through phone or naka-zoom lang, like ko siya.  “Kinakabahan ako, pag-premiere night, so, wala rin pala, kahit sa virtual, kinakabahan pa rin ako. Pero, I was surprised, even I knew the story, na-hook pa rin ako,” sabi ng aktres.

Aliw din ang linya ng aktres habang magkausap sila ni JC habang nagluluto siya, “Bakit ka nakahubo, magdamit ka nga” at “bakit ko pa kailangan magluto kung may ulam na.”

Nakadagdag din sa kabuuang feel ng movie ang soundtrack na “Nakikinig Ka Ba Sa Akin” mula sa Ben & Ben. Mismong si direk JP pala ang humingi ng magandang theme song sa pelikula at nagkataong kaibigan niya ang isa sa miyembro ng grupo kaya nakuha niya ang kanta.

Inamin din ng aktres na malaking tulong sa kanya ang boyfriend niyang si Rayver Cruz sa panahon ng pandemya noong 2020 lalo’t wala sila parehong trabaho.

“Naisip ko na parang malaking tulong din ‘yung meron kang palaging kausap. Na kahit masungit ka or malungkot ka, kakausapin ka pa rin niya.
“Parang noong pandemic kasi, kailangan natin talagang umasa at sumandal sa isa’t isa, eh. So, I’m just grateful that meron akong kasama nitong past year,” aniya pa.

Samantala, panahon ng pandemya nang i-shoot ang pelikula at sumunod ang TBA producers sa lahat health protocols.

Ayon sa Chief Operating Officer ng TBA Studios at isa sa producer ng movie na si Ed A. Rocha, “We feel this is the best possible way to make sure that everyone’s ‘Dito at Doon’ movie experience is a safe and enjoyable one.

“We know how much it means for movie fans to finally share a movie going experience together, whether at home or wherever they choose to see it with friends and family. We’re proud to bring this timely yet timeless, heartwarming film to all,” pahayag nito.

Simula ngayong araw, March 31 mapapanood na ang Dito at Doon sa KTX.ph (https://www.ktx.ph/),Cinema ’76 @ Home (https://cinema76fs.eventive.org/welcome), iWant TFC (https://tfc.tv/),  Upstream (https://upstream.ph/ ) at Ticket2Me ( https://ticket2me.net/).

Ang “DaD” ay handog ng TBA Studios, in association with WASD Films, kasama ang kanilang media partners na Myx, WheninManila.com, pati na ang Fernando’s Bakery.

The post E-numan, e-landian sa ‘Dito at Doon’ bentang-benta; Rayver malaking tulong kay Janine appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments