MAARTE. Sosyal. OA (overacting). Ilan lamang yan sa mga assumptions ng ilang netizens sa Kapuso host-actress na si Carmina Villarroel.
May mga taong nagsasabi na may pagkakataong hindi nila nagugustuhan ang arte ng aktres dahil parang effort na effort ang drama niya.
Sa kanyang latest vlog sa YouTube, sinagot ni Carmina ang mga netizens tungkol sa mga maling pagkakakilala sa kanya.
Una na niyang nilinaw ang mga nagsasabing sosyal siya pero may down to earth personality. Ani Carmina, “Sosyal ba ako? Hindi ko alam kung sosyal ako pero parang hindi naman yata.”
Feeling naman daw niya isa siyang totoong tao at down to earth, “Down to earth, I want to believe that I am down to earth na kahit sa tingin mong artista ako or kung ano man ‘yung mga success na nakukuha ko.
“I am so grounded, hindi ko nilalagay sa isip ko na ‘uy artista ako or ‘yung Legaspi family mga artista kami. Wala kaming ganu’n,” sabi pa ng misis ni Zoren Legaspi.
Ipinagdiinan din ng Kapuso star na tulad din sila ng ibang pamilyang Pinoy, napakaordinaryo lang daw nila ni Zoren bilang couple, pati na ang kambal nilang sina Mavy at Cassy.
“Off cam we’re just ordinary, normal people. Yeah, I’m down to earth. I want to believe. Sosyal, parang hindi yata,” sabi ng aktres.
Ito naman ang reply ni Carmina sa mga nagsasabing maarte siya, “Oo. Maarte ako pero hindi ‘yung maarte na nakakainis o nakakairita or ‘yung maarte na parang malandi, ganu’n.
“Maarte ako sa ibang bagay tulad ng pag-inom ng gamot, or kapag may nakakadiring bagay, ayan madiriin ako. Kung masasabi ninyong maarte, puwede maarte ako sa ganu’n. Like I said maarte not in a negative way,” dugtong pa niya.
Inamin din niya na totoong OA o overacting siya, “OA ako sa kalinisan, OA ako sa pag-organize ng stuff, OA akong mag-react.”
“I want to believe na OA naman ako pero also not in a negative way,” dagdag niya.
The post Carmina sa mga netizens: Oo, maarte ako, OA ako pero hindi naman ako sosyal appeared first on Bandera.
0 Comments