MATAPOS tamaan ng COVID-19 at humarap sa sunud-sunod na pagsubok noong nakaraang taon, mas lalo pang tumindi at lumakas ang faith ni Allan K kay Lord.
Sa lahat ng mga challenges na dumating sa buhay ng Kapuso comedian kahit minsan ay hindi raw niya naisip ang sumuko, sa halip nas pinatatag pa raw ng mga ito ang kanyang pananampalataya.
Inalala ni Allan K ang mga pinagdaanang hirap at sakripisyo nitong mga nagdaang buwan bilang bahagi ng Lenten special ng “Eat Bulaga.”
Una na nga riyan ang pagsasara ng kanyang mga comedy bar nang dahil sa COVID-19 pandemic na sinundan ng pagpanaw ng kanyang kapatid noong July at nang mahawa siya ng killer virus.
Madasalin naman daw talaga si Allan pero mas nag-level up pa ang kanyang pananampalataya sa Diyos nang dahil sa mga pagsubok na kinaharap niya noong 2020.
“Pagkagising ko, prayer na agad muna pagmulat ng mata, bago tumayo. Every little thing ngayon na maganda na nangyayari sa akin, kunwari lang nabangga ako na hindi masakit, ‘Thank you, Lord.’
“Gaganu’n ka na, lahat ipagpapasalamat mo na. Lalo na sa akin, second life ko na ‘to. Nagiging mas prayerful ako ngayon, mas na-appreciate ko lalo ‘yung nandiyan si Lord. Lalo ako na natutuwa,” pahayag ng TV host at comedian.
Never din daw niyang kinuwestiyon ang Diyos sa lahat ng mga nangyari sa kanya, “Kumapit pa rin ako kay Lord. ‘Yung faith ko talaga, hindi ‘yan nagfa-falter eh ever since.
“Lagi talaga ‘yan, nakakapit kay Lord. Naramdaman ko talagang He was with me all the time, talagang hindi niya ako iniwanan,” mensahe pa ni Allan K.
Maayos na maayos na ang kalusugan ng “Eat Bulaga” Dabarkads kaya ang nessage niya sa sambayanang Filipino, huwag na huwag susuko at patuloy lamang na manalig sa Diyos.
Muli rin niyang ipinaalala sa lahat na huwag magpakakampante at ipagpatuloy lang ang pag-iingat at tripleng pag-aalaga sa sarili.
“Siyempre pagkatapos nu’ng nangyari sa akin, pagkalabas ko ng ospital, parang naging mas maingat na ako.
“Dati hirap na hirap ako mag-mask kasi hindi ako makahinga sa maniwala kayo o sa hindi. Hirap na hirap ako huminga, tapos nadagdagan pa ng face shield ngayon.
“Pero after what happened to me, parang ‘Okey, sunod na lang tayo’ kasi ‘yun ang dapat,” sabi pa ni Allan K.
The post Allan K mas kumapit pa kay Lord nang bagyuhin ng pagsubok: Hindi niya ako iniwan… appeared first on Bandera.
0 Comments