Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Xander Ford inisa-isa ang problema: Sobrang hirap na ng buhay namin, konting awa po para sa pamilya ko

INISA-ISA ng kontrobersyal na social media personality na si Xander Ford ang mga problemang kinakaharap niya sa araw-araw ng kanyang buhay.

Ayon kay Xander o Marlou Arizala sa tunay na buhay, napakarami niyang responsibilidad na kailangan niyang gawin at tugunan lalo na para sa kanyang pamilya.

Sunud-sunod na kontrobersiya ang  kinaharap ng binata nitong mga nakaraang buwan, kabilang na riyan ang pag-aresto sa kanya at pagkakulong nang ilang araw dahil sa mga kasong isinampa ng dati niyang girlfriend.

Nag-post sa kanyang Facebook account si Xander ng mahabang mensahe kung saan ibinahagi nga niya ang mga kinakaharap na pagsubok, lalo na ngayong wala siyang regular na pinagkakakitaan.

“Sa totoo lang pinipilit ko kumain sa araw-araw kahit puro problema ang iniisip ko. Dahil isa ako sa libo-libong kabataan na maaga nang namulat sa kahirapan dahil ganito naman talaga sa Pilipinas eh,” simulang hugot ni Xander sa FB.

Kasunod nga nito, ibinahagi niya ang mga problemang dinadala niya sa bawat araw na gumigising siya, “Una – dami kong binabayaran na mga utang ng Mama at Papa ko.

“Pangalawa – nagbabayad ako ng bahay, tubig, kuryente, at pang araw-araw naming gastusin sa bahay. Pangatlo – bayarin sa pag aaral ng mga kapatid at pamangkin ko.

“Pang apat – problema sa mga kinakaharap kong kaso. Panglima – problema Sa pagkukunan ng trabaho dahil wala na talaga akong maayos na trabaho,” lahad pa ng internet sensation na umingay ang pangalan dahil sa pagpaparetoke niya.

Isa pa sa mga bumabagabag sa kanya ay ang walang tigil na pamba-bash sa kanya ng mga haters na hanggang ngayon ay puro kanegahan ang ibinabato sa kanya.

“At siyempre yung mga taong hinuhusgahan ako dahil sa itsura ko. Madami akong mga bagay na hindi ko alam paano ko matatapos at hindi ko alam paano ko uumpisahan.

“Gusto ko makatulong makaipon, kahit konting panahon pa. Gusto ko matupad mga pangarap ko para sa aming pamilya.

“Isa na lang ang need ko, yung magkaroon ako ng isang bagay na magbibigay ng income para sa amin. Gusto ko mag-livestream. Gusto ko talaga mag-work na at makaipon pa,” pahayag pa ni Xander Ford.

Sa bandang huli ng kanyang FB status, nakiusap na si Xander na bigyan naman siya ng chance na makapagsimula uli at patawarin na siya sa mga nagawa niyang pagkakamali.

“PS Sobrang hirap na ng buhay namin ngayun sana kunting awa para sa pamilya ko. Kahit sa konting dasal nalang po at respeto,” aniya pa.

Kung matatandaan, bago mag-Pasko ay nakulong nga si Xander matapos lumabas ang arrest warrant mula sa korte para sa kasong physical abuse na isinampa ng ex-girlfriend niyang si Ysah Cabrejas.

Nakalaya pansamantala si Xander matapos magbayad ng piyansa ang dati niyang talent manager.

The post Xander Ford inisa-isa ang problema: Sobrang hirap na ng buhay namin, konting awa po para sa pamilya ko appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments