TULAD ng relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, mukhang pang-forever na rin ang tambalan sa harap at likod ng camera nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Anim na taon nang magkarelasyon sina Liza at Enrique na nagsimula lamang sa pagiging loveteam noong 2013. At mula nga noon, nagsunud-sunod na ang kanilang mga hit teleserye at blockbuster movies.
Sa panayam ng isang Los Angeles-based magazine sa LizQuen, natanong ang Kapamilya couple kung ano ang sikreto sa kanilang maayos at masayang pagsasama sa kabila ng intriga at kontrobersyang hatid ng showbiz.
Sagot ni Liza, isa sa pinakamahalagang factor daw sa isang relasyon para tumagal at mag-work ay “respeto.”
“I guess we just have so much respect for each other. And he likes being with me. He likes being with his family. I am the same way. I don’t like being alone and I really enjoy his company,” pahayag ng aktres.
At kapag daw may mga pagkakataon na hindi sila nagkakaintindihan, hindi pumapayag si Enrique na hindi nila agad ito aayusin, “He won’t let me go away or go to bed without fixing it.”
Inamin din ng dalaga na hindi rin siya makapaniwala na six years na sila ngayon ni Enrique.
Napakarami na raw nilang pinagdaanan pero parang kailan lang nu’ng sagutin niya ang binata at tanggapin ito sa kanyang buhay.
“It’s just crazy we have made it this far. Well it’s not crazy that we have made it this far. We are going really strong,” ang pakorus pang sabi ng LizQuen na pinaniniwalaang sa kasalan na rin mauuwi ang pagmamahalan.
Samantala, nabanggit din ng celebrity couple na sa dami ng ginawa nilang proyekto together, ang pelikulang “Alone/Together” talaga ang nagdala sa kanila sa next level ng pagiging artista.
Sey ni Enrique, ang nasabing Black Sheep movie, “was actually our first real mature movie. It was a more serious movie, loved the authenticity of it and how the characters were flawed but real.”
Isa sa mga dream projects naman nila ay makagawa ng zombie movie. Sabi ni Liza, “We have a weird obsession and fascination with zombies. They are not the perfect human beings but if you can understand the characters, you will fall in love with them.”
The post Sikreto sa 6 taon relasyon ng LizQuen…respeto; pangarap makagawa ng zombie movie appeared first on Bandera.
0 Comments