NADISKUBRE ng Kapamilya young actress na si Loisa Andalio na may “malambot” ding puso ang boyfriend niyang si Ronnie Alonte.
Maraming bagong ugali ang aktor na nalaman ni Loisa nitong kasagsagan ng pandemya at dito nga niya napatunayan na napakarami pang magagandang qualities ang binata.
Muling humarap ang celebrity couple sa entertainment media sa virtual presscon ng latest project nila para sa iWanTFC, ang digital series na “Unloving U” na mapapanood na simula sa Feb. 8 at dito nga sila nagkuwento about some updates sa kanilang relationship.
“Ang na-discover ko kay Ronnie nu’ng pandemic, kasi dati nag-alaga kami ng dogs tapos takot siya. Tapos na-discover na takot lang pala siya sa una kasi akala niya nangangagat pero talagang mapagmahal din siya sa mga dogs.
“Kasi di ba, kapag nakita mo si Ronnie lalaking-lalaki, pero na-discover ko yung pagiging malambot na puso din niya. Hindi lang puro matipuno na ganyan. May malambot din siya na side at saka talagang maka-family din siya,” chika ng dalaga.
Apat na taon nang magdyowa ang LoiNie at aminado silang hindi na sila masyadong nagseselos ngayon unlike noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila.
“Iba na yung pinag-mature ni Ronnie ngayon. Talagang puwede na maging daddy Ronnie yung tawag ko sa kanya kasi sinesermonan din niya ako. Ha-hahaha!
“Parang mature na talaga. Sa amin dati nu’ng iba pa yung ka-loveteam ko tapos iba pa yung loveteam ni Ronnie nu’n pero kami na pero hindi alam ng mga tao. Yan kasi yung nagiging problema namin dati.
“May mga part talaga na nakakaselos pero nu’ng nagka-work na kami, wala ng selosan na nangyari ngayon. Hindi ko lang alam kung sakaling magkaiba kami ng makatrabaho. Hindi na siguro. Ewan ko. Depende kung sino. Charot!
“So ngayon kung magkakaroon ulit puwede naman kasi ang dami na naming pinagdaanan at saka mas maintindihan mo talaga na work is work talaga,” sey pa ni Loisa.
Sa tanong kung ano ang pinakagusto niyang ugali ni Ronnie, “Ang pinaka talagang na-love ko kay Ronnie yung pagiging totoong tao niya. Nakilala ko kasi siya sa showbiz eh. Di ba pag bata ka hindi mo alam kung seryoso ba sa ‘yo yung tao or baka babae ka lang niya?
“So nakita ko kay Ronnie yung pagiging seryoso niya at saka yung hinahanap mo. Kasi di ba yung mga babae may parang dream guy, may mga ganyan.
“Pero hindi mo pala masasabi talaga yung dream guy mo pag mahal mo talaga yung tao. So nagustuhan ko si Ronnie, minahal ko siya bilang si Ronnie talaga, yung pagkatao niya,” sabi ng dalaga.
Speaking of “Unloving U”, kuwento ito ng isang bawal na pagmamahalan na may hatid na kilig at hugot ngayong buwan ng mga puso.
Sa simula pa lamang ay hindi na magkasundo ang step-siblings na sina Fiona (Loisa) at Alfie (Ronnie) ngunit mapipilitan silang magsama sa iisang bahay pagkatapos magpakasal ng kanilang mga magulang (Ariel Rivera at Gelli de Belen).
Dahil magkaiba ang mga personalidad, laging mauuwi sa awayan at hindi pagkakaunawan ang samahan nina Fiona at Alfie. Pero dahil sa pagmamahal nila sa musika, makikilala nila ang isa’t isa at mas lalalim ang kanilang relasyon.
Sa kabila ng mga pang-aasar nila sa isa’t isa, mas magiging komplikado pa ang kanilang pagsasama dahil unti-unting mahuhulog ang loob ni Fiona kay Alfie pero patago ang pagmamahal niya para rito.
Dahil alam ni Fiona na hindi kailanman magiging sila ni Alfie, susubukan niyang kalimutan ang nararamdaman kahit nasasaktan na ang kanyang puso.
Magawa kayang talikuran ni Fiona ang kanyang pagmamahal para kay Alfie? Paano nito maaapektuhan ang relasyon nila sa kanilang mga magulang?
Makakasama rin sa “Unloving U” ang “The Squad Plus” members na sina Sam Cruz, KD Estrada, at Anji Salvacion, at mula naman ito sa direksyon ni Easy Ferrer.
Napapakinggan na rin sa iba’t ibang online music streaming platforms ang official soundtrack ng serye na mayroong apat na kanta mula kina Loisa, Sam, KD, at Anji tulad ng “Kaya Pala,” “Saves It,” at “Keeps on Coming Back.”
Mapapanood ng standard and premium subscribers ang “Unloving U” sa darating na Peb. 8 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mayroon itong anim na episodes na isa-isang ilalabas araw-araw tuwing 8 p.m. hanggang Peb. 13.
Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas.
The post Si Ronnie lalaking-lalaki, pero na-discover ko malambot din ang puso niya appeared first on Bandera.
0 Comments