Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Netizens napa-wow sa swimsuit photo ni Kathryn; KathNiel muling nagtampisaw sa El Nido, Palawan

HASHTAG #SanaAll! Yan ang nagkakaisang komento ng mga netizens nang bumandera ang mga litrato nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa napakagandang resort sa El Nido, Palawan.

Matapos ngang magbakasyon sa isla ng Boracay nitong nagdaang holiday season, sa Palawan naman nagpakaligaya ang Kapamilya couple kasama ang kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Habang wala pang masyadong pinagkakaabalahan ang KathNiel, sinamantala muna nila ang pagkakataon na makapag-bonding uli kasama ang mga mahal nila sa buhay.

Katatapos lang ng movie series ng magkasintahan na “The House Arrest Of Us” na isa sa mga matagumpay na proyekto ngayon ng ABS-CBN sa digital platform kaya naisipan nilang mag-break sandali bago sumabak uli sa pagtatrabaho.

Sa kanyang Instagram account, hindi napigilan ni Kathryn ang ibandera sa madlang pipol ang kagandahan ng El Nido base na rin sa mga litrato at video na ibinahagi niya sa kanyang IG followers.

“A HUGE thank you to this group for letting us see and experience this side of El Nido.

“It wasn’t my first time here but I’ve never witnessed its real beauty until this trip happened—the locals, their life, food, and the breathtaking islands.

“WOW. EL NIDO IS SOMETHING ELSE. I hope we continue to protect and preserve its beauty. Filipinos are lucky to call this our own,” aniya sa caption.

Sa isa pa niyang Instagram post, napa-wow naman ang netizens sa kanyang beach photo with her black swimsuit kung saan makikita ang nakahahalinang white sand at super linaw na dagat ng El Nido.

“So many things to look forward to! Going home with a happy and grateful heart.

“Thanks to the amazing group that inspired me in so many ways. Cheers to new friendships and better days ahead!” ang mensahe pang isinulat ni Kathryn sa kanyang IG post.

Sa ilan pang litrato na ibinahagi ng nanay ni Kath na si Momm Min, bukod sa kanilang mga family photos, makikita ring nakasama nila sa El Nido ang mga kaibigang sina Joe Vargas at John Valle.

Samantala, very soon ay magsisimula nang mag-taping sina DJ at Kath para sa bagong ABS-CBN series mula sa concept ng kaibigan nilang si Juan Miguel Severo, na siya ring nasa likod ng award-winning movie na “Hintayan ng Langit” at ng  BL series na “Gaya sa Pelikula.”

Ayon kay Kathryn, ibang-iba naman ito sa mga previous project nila ni Daniel at matagal na raw niyang gustong gumawa ng ganitong klase ng serye.

“Malayo sa last na ginawa namin, which excites me and DJ, kasi matagal na naming gusto gumawa ng ganitong klase pero mahirap ito sa execution.

“It’s something na gusto namin ni DJ talaga kaya medyo na-delay dahil inaayos pa yung script. We’re happy because we’re working on a project na gusto namin yung concept,” sey ng Box-Office Queen.

The post Netizens napa-wow sa swimsuit photo ni Kathryn; KathNiel muling nagtampisaw sa El Nido, Palawan appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments