Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Karakter ni Paul sa ‘The Lost Recipe’ labs na labs ng viewers; ‘Prima Donnas’ extended o may book 2?

MARAMI na ang tinatamaan ng second-lead syndrome sa character ni Paul Salas sa fantasy-romance series ng GMA Public Affairs na “The Lost Recipe.”

In fairness ha, talagang patok na patok ngayon sa manonood ang primetime series na ito na napapanood gabi-gabi sa GMA News TV pagkatapos ng “24 Oras.”

Ginagampanan ni Paul sa “TLR” ang role ni Frank, best friend ni Apple na ginagampanan ni Mikee Quintos at ang karibal ni Chef Harvey played by Kelvin Miranda.

Malaki ang pasasalamat ni Paul sa mga nagsasabing nakaka-relate sila sa karakter niya sa seryeng gabi-gabi ay tinututukan ng viewers.

Hirit pa ng Kapuso hunk, sana raw ay mas mahalin pa nila si Frank habang tumatagal ang kuwento ng serye at pangako niya, napakarami pang mangyayari sa karakter niya na siguradong ikatutuwa ng viewers.

“Sana po lalo pa nilang mahalin ang character ni Frank kasi for sure may Frank din sila sa buhay nila,” aniya na ang tinutukoy ay ang pagiging loyal sa mga taong mahal nila.

Sobrang saya rin daw ni Paul dahil sa nabubuong Team Frank vs. Team Harvey, pero in real life ay wala naman daw competition sa kanila ni Kelvin.

“Ang importante lang sa amin ay magawa namin ng mabuti at 100 percent ang bawat characters namin, so sana suportahan nila ang mga susunod na episodes ni Frank. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nanunuod gabi-gabi at sana subaybayan nila kami hanggang dulo,” paliwanag ng binata.

Napapanood ang “The Lost Recipe”, Mondays to Fridays, 8 p.m., sa GMA News TV. Kasama rin dito sina Thea Tolentino, Maureen Larazzabal, Manilyn Reynes at marami pang iba.

* * *

Patindi na nang patindi ang mga eksena at rebelasyon sa GMA Afternoon Prime series na “Prima Donnas” kaya naman hindi kataka-taka na lagi itong trending at patuloy ring namamayagpag sa ratings game.

Sa katunayan, nitong Huwebes (Feb. 4) ay nakakuha ang Prima Donnas ng overnight NUTAM People rating na 13.4%, ayon sa data ng Nielsen Philippines.

Sa naturang episode kasi ay muling ipina-DNA ni Jaime (Wendell Ramos) si Brianna (Elijah Alejo) matapos sabihin ni Lilian (Katrina Halili) na dalawa lang ang anak nina Jaime at Maita (Glaiza de Castro) — sina Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo). Ito ang dahilan kung bakit nabuking ni Jaime na pekeng Claveria pala si Brianna.

Bukod sa mataas na rating, certified trending din ang nangyaring rebelasyon dahil sa loob lang ng ilang oras ay pumalo na ng mahigit 1 million views at number 4 trending topic sa YouTube ang eksena nina Jaime at Brianna.

Sigaw naman ng viewers at netizens, sana ay ma-extend o di kaya’y magkaroon ng book 2 ang serye. Patuloy na tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa “Prima Donnas,” sa GMA.

The post Karakter ni Paul sa ‘The Lost Recipe’ labs na labs ng viewers; ‘Prima Donnas’ extended o may book 2? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments