HANDANG-HANDA na si Jona na maghatid ng “reimagined versions” ng mga classic at OPM hits sa concert stage isang linggo bago ang dumating ang Araw ng Pag-ibig sa “YouTube Music Night” na pinamagatang “Love, Jona”.
Mapapanood na ito ngayong Sabado (Feb. 6), 8 p.m. kung saan muling ipamamalas ng tinaguriang Fearless Diva ang kanyang world-class talent on stage.
“This is the first time na magkakaroon ako ng digital concert,” kwento niya sa “Love, Jona” virtual media conference kahapon.
“Dahil paparating na ang Valentine’s Day, ang lineup ko sa concert na ito ay pure OPM, so nakaka-proud kasi maso-showcase natin ang ilan sa pinakamagagandang songs sa industry mula sa late 80s, 90s, hanggang sa current hits,” sey ng isa sa mga bagong Birit Queens.
Bukod sa mga sarili niyang kanta, magpeperform din ang ABS-CBN talent ng cover ng mga awitin ni Moira dela Torre at espesyal na medley tampok ang hit songs ni Daniel Padilla.
Eksklusibong mapapanood ang libreng virtual concert na ito sa YouTube channels ng ABS-CBN Star Music, MOR, MYX, at One Music.
Ibinahagi rin ni Jona kung gaano siya na-overwhelm sa pagkakapili sa kanya para sa proyekto. Aniya, “Nakaka-surprise, nakaka-happy! Honored ako dahil sa dami ng mga talented artists, ako ang napiling mag-pioneer nito. Nakakalula ang tiwala but I wanna enjoy the moment.”
Makakasama ng Star Music artist sa one-night show na ito ang iba pang mga pambatong OPM artists ng bansa na sina Bugoy Drilon, Jeremy G, at JMKO na may inihanda ring awitin bilang pre-Valentine’s treat sa mga manonood.
Tampok din sa “Love, Jona” bilang hosts sina MYX VJ Ai dela Cruz at ang “Kwentong Barber” host na si Edward Barber. Ang nasabing show ay mula sa direksiyon ni Frank Mamaril.
Opisyal nitong sisimulan ang “YouTube Music Night” project na hatid ng nangungunang video platform na YouTube sa ilalim ng produksyon ng ABS-CBN Music. Ito na ang kauna-unahang “YouTube Music Night” sa Southeast Asia na inaaasahang maghahatid ng hindi malilimutang concert.
Susundan ito ng back-to-back “YouTube Music Night” show tampok sina Juris at Jed Madela na pinamagatang “Hearts on Fire: Juris and Jed” na magaganap sa susunod na Sabado (Feb. 13).
Ma-inlove, makisaya, at manood ng “Love, Jona” ngayong Sabado, 8 p.m. Abangan ito sa ABS-CBN Star Music, MOR, MYX, at One Music YouTube channel.
The post Jona napiling bumandera sa unang YouTube Music Night: Nakakalula ang tiwala! appeared first on Bandera.
0 Comments