Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

John, Priscilla nagkaasaran sa tanong kung sino ang totoong ‘makalat’ sa bahay

ALIW na aliw kami sa “pagtatalo” ng celebrity couple na sina John Estrada at Priscilla Meirelles nang mapag-usapan kung sino sa kanila ang mas makalat sa bahay.

Nag-guest kasi ang mag-asawa sa morning talkshow ng GMA na “Mars Pa More” nina Camille Prats at Iya Villania at kung “perfect couple” ang tingin ng ibang tao sa kanila, nagkakamali kayo.

Tulad din daw sila ng halos lahat ng mag-asawa na nagkakaroon ng tampuhan at pagtatalo kahit sa maliliit na bagay lang. Sa katunayan, nagkaasaran pa ang dalawa nang mapag-usapan ang ilang simpleng problema ng married couple.

Bilang bahagi ng pagse-celebrate ng 10th wedding anniversary nina John at Priscilla (sa Feb. 26), may inihandang game sina Iya at Camille kung saan magbibigay sila ng mga sitwasyon na kailangang sagutin ng mag-asawa kung “stop”, “go” or “proceed with caution.”

Isa nga sa mga eksenang nabanggit ay ang paulit-ulit na paalala ni misis o ni mister na ilagay ang basang tuwalya sa tamang sabitan o lagayan.

“Go” ang sagot nina John, Priscilla, Camille at Iya, ibig sabihin talagang sasabihin nila ito sa kanilang asawa kahit pa alam nilang maaari itong pagsimulan ng pagtatalo.

Hirit ni John, “Naku, ako, and Priscilla knows this, ang pinakaisa sa mga pet peeves ko ay ‘yung talagang kalat. Ayoko talagang makalat sa bahay at siya medyo makalat.”

Biglang nanlaki ang mga mata ng dating beauty queen at napatingin kay John at nag-dialogue ng, “Hindi totoo ‘yan. Ako nag-organize. Bakit ako nagkalat?”

Sagot naman ng Kapuso actor,  “Kahit ‘yung mga kasambahay namin sinasabi, ‘Sir, medyo makalat si Ma’am.’ Ha-hahaha! Ang daming papel, ang daming resibo (na nakakalat sa bahay).”

Muling nagpaliwanag si Priscilla at mariing dinenay ang akusasyon ng asawa at humirit pa ng, “Hiwalay na tayo ngayon,” sabay tawa.

Nagbigay naman ng reaksyon si Camille sa argumento ng mag-asawa, “My husband also tells me I’m makalat and I can’t accept that kasi ako ‘yung nagliligpit. But I think what he meant was ang dami kong gamit.”

Sumang-ayon naman si Priscilla sa sinabi ni Camille, “Yes! ‘Yun ‘yung gusto kong i-explain.”

Pahayag naman ni Iya, “I get where pars John is coming from because Drew also, parang feeling niya may double standards nga ako.

“Parati ko siyang pinapagsabihan pero, ayan. Ha-hahaha! ‘Yung ibang gamit na mga nandito, mga gamit ko,” tawa pa nang tawang chika ni Iya.

The post John, Priscilla nagkaasaran sa tanong kung sino ang totoong ‘makalat’ sa bahay appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments