Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

JC may inamin tungkol sa online dating

Hindi type ni JC Santos ang online dating o online romance dahil hindi siya kuntento sa ideya na sa pamamagitan ng video call o Zoom meeting lang sila nag-uusap at nagkikita ng girlfriend niya.  Siya ang tipo ng lalaking kahit gaano kalayo ang minamahal ay pupuntahan niya.

“Wala pa akong na-experience na online dating. Ako kasi pinu-pursue ko kahit gaano kalayo pupuntahan ko,” say ni JC.

Kaya natanong ang aktor kung gaano kalayo ang napuntahan na niya sa ngalan ng pag-ibig

“I was in Singapore that time and my girlfriend ako sa Hong Kong and I don’t like the idea of online. Ayaw kong Skype, Zoom or video calls kaya sabi ko diyan na ako magwo-work,” kuwento ng aktor sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang “Dito at Doon” kasama sina Janine Gutierrez, Victor Anastacio, Yeshi Burce at Lotlot De Leon handog ng TBA Studio at WASDG Productions.

Noong hindi pa sa showbiz si JC ay nagtrabaho siya sa Universal Studios sa Singapore at dahil nga sa girlfriend niya ay lumipat siya ng Hong Kong Disneyland.

Sa pagpapatuloy ni JC, “And even my wife right now, I’ve been working in Manila and she’s working in Pampanga, I always go to her kasi ayaw ko ng text and video call.”

Sa ngayon ay happily married ang aktor at nahihiwalay lang siya sa mag-ina niya kapag nasa lock-in shooting o taping siya.

Walang permanenteng partner si JC sa mga project niya na mas gusto niya para malaya siyang nakakagawa ng iba’t ibang karakter.  At sa pakikipag-trabaho niya kay Janine ay natanong kung ano ang nakita niyang strength ng dalaga kumpara sa ibang leading ladies niya sa past projects niya.

“I think isa pa sa pinaka-strength ni Janine ay super raw dahil hindi siya ma-technique na tao.  ‘Yung iba kasi tumitiyempo pa sa kamera, ito parang in a way nagawan namin parang theater process,” ani JC.

“Nagkaroon kami ng mga eksenang halos umuulit-ulit and she manages to make it fresh everytime,” paglalarawan ng aktor sa bago niyang leading lady.

Dalawa na ang Best Actress award ni Janine–isang Gawad Urian at isang Famas–na pareho niyang nakamit noong 2020.  Wala bang intimidation sa parte ni JC na isa rin namang award winning actor?

“Hindi, eh, ha, haha.  Naka-trabaho ko na kasi siya bago pa nangyari ‘yung best actress niya.  Magaling na talaga siya,” napangiting sabi nito.

“But there’s always a first day for every scene. Well, merong tinatantiya namin ang isa’t isa.  Ako kasi mahilig magdagdag, so tinitingnan ko kung kumakagat, hindi naman ako nagpe-playtime tapos makaka-react siya ng maayos nagugulat ako,” wika ng aktor.

“Kasi ‘yung pelikula namin sa sobrang natural niya puwede mo ng pasukan ng mga unusual likes na pasok sa karakter mo.  At nagawan ng paraan ni Janine na magaling na magaling.

“Si Janine kasi I think as a person din, she’s very generous. Ang open niya as a person hindi mo siya makikitaan ng wall, super honest and ang sarap kasama ng ganu’n tao na sobrang transparent lang.  I think parang binibigyan ka na agad ng chance ni Janine para kilalanin siya.  I think ‘yun ‘yung the best sa kanya.”

Mapapanood ang magandang chemistry nina JC at Janine sa “Dito at Doon” simula sa Marso 17 mula sa direksyon ni JP Habac produced naman ng TBA Studios.

The post JC may inamin tungkol sa online dating appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments