Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Jasmine na-bad trip sa pamimirata ng pelikula nila ni Glaiza: Sana mas maging matindi ang parusa

NA-BAD trip ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith matapos malaman na nabiktima rin ng pamimirata ang bago niyang pelikulang “Midnight In A Perfect World” kasama si Glaiza de Castro.

Ayon kay Jasmine, isang krimen at malinaw na pagnanakaw ang ginagawang illegal reproduction ng mga sindikato sa mga pelikulang Pinoy na ipinalalabas ngayon sa mga online at digital platforms.

Dahil dito, nanawagan ang kapatid ni Anne Curtis na sana’y magkaroon ng mas mahigpit pang batas kontra film piracy para matigil na ang ganitong uri ng krimen na pumapatay sa movie industry.

“It is very sad and I really hope that we get to a point wherein film piracy here and in any other media for that matter, be at the digital series, on YouTube or any video on-demand streaming platform, sana maging kasing strict siya,” pahayag ni Jasmine sa panayam ng GMA.

Aniya, sana’y tularan ng Pilipinas ang pagpapatupad ng mas pinatinding kampanya laban sa pamimirata ng mga pelikula at iba pang content ng entertainment industry sa ibang bansa.

“I know for sure it’s really strict in Australia. When I lived there, I myself encountered the government saying ‘Hey you can’t do this (piracy).’ You get penalties for doing that.

“I hope dumating sa point na ganu’n ka-advanced ‘yung tech natin dito or at least the system that we have. Kasi it’s difficult na nga na makakuha kami ng sinehan nu’ng panahon na puwede pang manood sa sine. Eh, paano na ngayon na everything’s on streaming?” chika pa ng dalaga.

Patuloy pa niya, “Kung kukunin niyo pa ‘yung only opportunity na nga ng filmmakers at ng mga tao sa industriya ng pelikula at ng TV, paano pa kayo makakapag-expect ng bagong content in the future kung walang naiipon na pera? Kung walang kinikita na pera ang entertainment industry natin dito?

“It will fickle out one day and it will be much more difficult to produce content if we do not support the local content,” lahad pa ni Jasmine.

Kasunod nito, nanawagan din ang Kapuso actress na sana’y mabayaran din nang tama ang mga nagtatrabaho sa entertainment industry.

“The same way na kapag pinalayas ‘yung mga taong nagpa-pirate ng mga pelikula at ng mga teleserye, sila rin, you know, the money that you get from that can go towards the film industry somehow, maybe one day it could pay it forward with the film industry.

“It becomes a cycle and it becomes a holistic environment for preserving film, TV and everything else in that medium,” paliwanag pa ng dalaga.

The post Jasmine na-bad trip sa pamimirata ng pelikula nila ni Glaiza: Sana mas maging matindi ang parusa appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments