GUMAWA ng tula ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis para sa kanyang sisteraka na si Anne Curtis na nag-celebrate ng kanyang birthday kahapon, Feb. 17.
Itinuturing ng dalaga ang nakatatandang kapatid bilang “pinakamaliwanag na ilaw” sa kanilang pamilya at tinawag pa niya itong “bestest sister”.
Ani Jasmine, napakarami rin niyang natutunang life lesson mula kaya Anne kaya nagpapasalamat siya sa TV host-actress sa lahat ng nagawa nito para sa kanya at sa kanilang pamilya.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Jasmine ng throwback photo nila ni Anne at ng litrato ng panganay na anak nitong si Baby Dahlia.
Narito ang maikling tula na ginawa ng dalaga para sa kaarawan ng kanyang ate, “Will be with you every step of life:
“Like when I was your maid of honor when you became a wife.
“Like when you taught me strength through your frights.
“Like that time you learned to empower yourself and taught me about my own might.
“You never fail our family, and will always be our brightest light.
“I love you Sestra, for all that you are and will evolve to be.
“I love you Sestra, we all do… the Curtis-Smiths, Heussaffs, your friends, the world and, Dahlia Amélie.”
Kauuwi lamang ni Anne sa Pilipinas kasama ang asawang si Erwan Heussaff at ang anak nilang si Baby Dahlia mula sa Melbourne, Australia kung saan mahigit isang taon din silang namalagi.
Noon pang December, 2019 umuwi ng Australia si Anne para doon manganak ngunit inabot na nga sila roon ng pandemya kaya hindi kaagad nakabalik ng Pilipinas.
Ayon sa TV host-actress, ie-enjoy daw muna niya nang bonggang-bongga ang anak nila ni Erwan bago bumalik sa showbiz. Abangan na lang natin kung kailan naman siya magre-report sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.
The post Jasmine gumawa ng tula para sa kaarawan ni Anne: I love you Sestra, for all that you are! appeared first on Bandera.
0 Comments