“BEAUTY and brains” ang tawag kay Janine Gutierrez dahil nagtapos siya bilang Cum Laude sa kursong European Studies sa Ateneo de Manila University noong 2011.
Mahusay sumagot ang panganay nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher at hindi showbiz, bagay na gustung-gusto sa kanya ng entertainment press and vloggers.
Sabi nga ng common friend namin ay simple at super down to earth ang dalaga, walang ere kahit pa sikat na at magalang pa.
Napatunayan namin ito sa nakaraang promo-pictorial nina Janine at JC Santos para sa pelikulang “Dito at Doon” na mabait, palaging nakangiti at diretsong sumagot ang aktres sa mga tanong. Totoo rin na naka-white shirt at jeans lang siya nang dumating sa TBA Studios.
Anyway, ang “Dito at Doon” ay sinyut nila ni JC sa panahon ng pandemya kaya nanibago siya dahil lock-in shooting ito base sa ipinatutupad na health protocols.
“The first two days, I felt like I didn’t know what I was doing. Kasi I hadn’t done a shoot in like six months or eight months. This was my first project since the lockdown.
“When I got back, it felt like your first day in high school where you don’t know if you’re doing the right thing. Hindi ko alam kung marunong pa akong mag-memorize ng linya.
“It was really an adjustment period. But after mga two or three days, sobrang na-enjoy ko na. I was so grateful to be there,” kuwento ng aktres.
Inamin ni Janine na isa si JC sa pangarap niyang makatrabaho na taga-ABS-CBN naman, pero mukhang iniadya ng tadhana dahil bago siya pormal na pumirma sa Kapamilya network ay nauna na nilang i-shoot ang “Dito at Doon” mula sa direksyon ni JP Habac.
Ang daming pangarap ni Janine na unti-unti nang natutupad tulad ng gusto niyang magtrabaho sa TBA Studios dahil pawang award-winning ang mga pelikulang nito tulad ng “Heneral Luna”, “Bliss,” “Write About Love”, “Bonifacio: Unang Pangulo,” “Sunday Beauty Queen”, “Birdshot,” “Goyo: Ang Batang Heneral” at marami pang iba.
Movie fan pala kasi ang aktres kaya lahat ng pelikula ay pinapanood niya lalo na ang mga love story kaya sa paglipat niya sa ABS-CBN ay marami siyang gustong makatrabaho.
Hindi rin naman mapapahiya si Janine kung itambal siya sa mga premyadong aktor at aktres ng Kapamilya Network dahil may baon na siyang Gawad Urian at Famas Best Actress award mula sa pelikulang “Babae at Baril.”
Anyway, nang ialok daw sa dalaga ang “Dito at Doon” ay na-excite siya, “I got a text and all it said was a movie with JP Habac (direktor) and JC Santos under TBA Studios.
“‘Yung tatlong ‘yon lahat nasa bucket list ko. Sabi ko, yes please. True enough, when I read the script ang ganda ng pagkasulat,” aniya.
No boyfriend since birth ang karakter ni Janine sa “DaD” (Dito at Doon) bilang si Len at ang peg niya ay ang mga kaibigan niya.
“Ang peg ko, ‘yung mga kabarkada ko na no boyfriend since birth, in-interview ko sila. Katatanong ko lang din actually sa Instagram, ‘Lahat ng no jowa since birth, bakit?’
“Nakakatuwa ‘yung answers kasi ang daming different answers. ‘Yung iba priority ‘yung school or ‘yung iba hindi lang daw talaga ligawin. Iba-iba siya for everyone,” say ng dalaga.
Anyway, abangan ngayong Biyernes kung ano pa ang ibang aaminin ni Janine habang sinu-shoot nila ang “Dito at Doon” sa kanilang zoom mediacon kasama sina Victor Anastacio, Yesh Burce at Lotlot de Leon.
The post Janine kinarir ang pagre-research tungkol sa mga NBSB: Nakakatuwa yung mga sagot nila! appeared first on Bandera.
0 Comments