ISANG taong nakatengga sa bahay ang Kapuso comedienne na si Divine Aucina matapos mawalan ng trabaho at karaketan nang dahil sa pandemya.
Ito ang dahilan kung bakit inatake rin siya ng anxiety at depression tulad ng iba pa nating mga kababayan. Naisipan din daw niyang mag-quit na sa showbiz dahil nawawalan na siya ng pag-asa.
Ibinahagi ng komedyana sa publiko ang mga naging realizations niya noong kasagsagan ng lockdown at kung gaano siya kasaya ngayon dahil muli nga siyang nakabalik sa trabaho.
“Half a year ago, I almost decided to quit what I’ve always loved doing, ‘yung pag-arte.
“Katulad ng napakarami kong kasamahan sa entertainment at sa iba pang industry, nawalan rin po ng kabuhayan ng halos isang taon.
“The uncertainties pinned me down to the core, naiyak ko na lahat ata kay Austin, my long-time friend, thank you for listening ‘te,” ang bahagi ng Instagram post ni Divine na napapanood na uli ngayon sa GMA series na “My Fantastic Pag-ibig”.
Patuloy pa niya, “I kept praying for another opportunity to spring from every project big or small. Gagalingan at huhusayan kasi passport ko to for the next project. That was the mantra.
“True enough, livestream shows expanded to series. ‘Yang kaka-post ko ng mga food vlogs na ine-edit ko sa phone alone for five hours or so, landed me TV guestings.
“’Yang photoshoot ko na ‘yan na may singit helped me with bigger projects,” lahad pa ni Divine.
In fairness, inuulan nga ng blessings ngayon ang komedyana dahil bukod sa “My Fantastic Pag-Ibig”, kasama pa rin siya sa “Dear Uge” ni Eugene Domingo, at sa isa pang upcoming teleserye ng GMA na “Legal Wives” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.
“My gosh 2020 what a time. Kala ko ito na ‘yun, ito na talaga ‘yun. Pero hindi pa pala. Ito, proof of life nasa Laguna ako shooting for teleserye na Legal Wives,” ang chika pa ni Divine.
The post Divine Aucina 1 taon nawalan ng trabaho: Naiyak ko na lahat, gusto ko nang mag-quit… appeared first on Bandera.
0 Comments