Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Barber shop ni Jericho sa Cubao tuluyan nang nagsara dahil sa pandemya

ISA pang matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic ay ang negosyo ng aktor na si Jericho Rosales.

Isinara na ni Echo ang barber shop niyang Talas Manileno noong Oktubre, 2020 pa na matatagpuan sa Cubao Expo, Araneta Center, Quezon City.

Mukhang bumalik na ang puhunan ng aktor dahil Mayo, 2016 pa niya ito binuksan at malakas talaga ang shop niya ayon sa mga nakausap naming may puwesto sa Cubao Expo.

Ngunit nang dahil nga sa patuloy na banta ng pandemya sa bansa ay hindi na binuksan pa ang shop simula nu’ng nag-total lockdown sa Metro Manila.

Gustuhin mang ituloy ni Echo ang operasyon ng nasabing barber shop ay matatalo naman siya sa overhead bukod pa sa tumanggap na rin yata ng ibang trabaho ang mga barbero niya.

Apat na taon ding tumagal ang Talas Manileno ng aktor na marami na ring suki lalo na kapag weekend ng gabi kaya nga simula 1 p.m. hanggang 9 p.m. ang operasyon nito noong wala pang COVID-19.

Hindi lang naman ang puwesto ni Jericho sa nasabing lugar ang nagsara, sa katunayan ay marami kaming bakanteng lugar na nakita nu’ng dumaan kami roon kamakailan.

Ayon sa isang nakatsikahan namin, “Maraming umalis pero marami naman pong bagong umuupa kasi puro pagkain at basic needs ang paninda kaya maraming namimili rin, pero siyempre hindi katulad noong wala pang pandemic, umaapaw talaga rito ang mga tao.”

Oo nga, maraming kainan na nagbukas sa Cubao Expo bukod pa sa mga dating puwesto. At matatag talaga ang Bellinis Restaurant doon saan kung nag-shoot noong 2007 ang pelikulang “One More Chance” nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na idinirek ni Cathy Garcia Molina.

Sabi nga ng taga-Bellinis ay 23 years na sila roon at sana mawala na ang pandemya para manumbalik na ang sigla ng lugar.

In fairness sa Italian resto na ito, puno lagi ng customer, pero nu’ng dumaan kami ay dalawang table lang ang okupaso. Pero at least kahit paano meron kaysa totally wala, considering na pricey ang food nila.

Sa kasalukuyan ay wala kaming alam na negosyo ngayon si Jericho pero ang pagkakaalam ng iba ay may franchise ang aktor ng ineendorso niyang Filipino restaurant na Kuya J’s na tinatangkilik ng marami.

The post Barber shop ni Jericho sa Cubao tuluyan nang nagsara dahil sa pandemya appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments