Mula sa Instagram ni Angel Locsin
Isang New Year wish list ang inilabas ni Angel Locsin sa pagpapalit ng taon.
“Very happy to end 2020
,” ang panimula ng dalaga sa kanyang Instagram post.
Kasunod nito ay ang listahan ng mga bagay na nais niyang mangyari para sa taong 2021, kabilang dito ang pagbabalik ng ABS-CBN at pagtatapos ng pandemya.
Ang kanyang wish ay repleksyon din ng kanyang pagiging pilantropo: more job opportunities for all, magandang education, magagandang values para sa mga kabataan, tataas ang sweldo ng lahat, walang magugutom.
Hiling din ni Angel na walang masasaktan, walang mang-aabuso, wala ng corruption at gaganda ang environment.
At isinama na rin niya na sana ay “papayat ako” ngayong taon at “magandang love life para sa lahat.”
“Ibig sabihin, Lord, kayo na po ang bahala at kayo lang po ang makakagawa neto at kami pong mga tao ay mga instrumento mo lang po, panginoon. Please guide us para sa mas maganda at payapang mundo para sa lahat!
”
Huling hirit ni Angel: “PS. Sana hindi umulan sa kasal ko!
”
Tuloy na ngayong 2021 ang naudlot na pagpapakasal ni Angel sa boyfriend niyan film producer na si Neil Arce.
View this post on Instagram
The post Wish ni Angel sa 2021: ‘Babalik ang ABS-CBN, papayat ako at sana hindi umulan sa kasal ko’ appeared first on Bandera.

0 Comments