Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Willie niyaya si Mr. M sa Wowowin: Direk, halika na, samahan mo na kami rito

TANGGAPIN kaya ng kilalang starbuilder na si Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M, ang alok ni Willie Revillame na magtrabaho sa “Wowowin.”

Dating direktor ng TV host-comedian si Mr. M noong nasa ABS-CBN pa siya at inanyayahan nga niya ito na samahan siya sa programa niya sa GMA 7.

Ito’y matapos ngang sibakin ang weekly noontime show ni Mr. M sa TV5 na pinangungunahan nina Piolo Pascual, Catriona Gray at Maja Salvador.

Sinundan pa ito ng paglalabas ng dating head ng Star Magic ng sama ng loob sa pag-alis niya sa ABS-CBN at sa mga dating kasamahan sa network. Na-shock din si Mr. M na ang ipinalit sa timeslot ng show nila sa TV5 ay ang “ASAP Natin ‘To” ng ABS-CBN na dati niyang idinidirek.

At sa nakaraang episode nga ng “Wowowin: Tutok To Win”, binati ni Willie ang dating executive ng Kapamilya Network.

“Bago ang lahat, gusto ko lang batiin ang isa sa mga taong nirerespeto ko. One of the pillars, of course, dito sa Philippine television.

“Naging director ko po sa Wowowee, starbuilder, respetado, he’s a dignified man,” anang komedyante.

Wish daw niya na makatrabaho uli si Mr. M, “Ito ho, sana makasama kita muli, Direk. Napakalaki ng respeto ko sa ’yo.”

Napa-throwback pa si Willie noong panahong magkasama pa sila ni Mr. M sa “Wowowee” na umere ng halos limang taon sa Dos (2005 to 2010).

“Naalala ko nga nung nagkasama tayo sa Wowowee, lagi kang supportive sa lahat ng desisyon na ginagawa ko.

“Saka, there was a time na gumagawa ako ng sulat na nagpaalam na ako diyan, sinamahan mo ako, tinulungan mo ako sa mga tamang English, tamang grammar ko,” lahad pa ng TV host.

Patuloy pa niya, “So anyway, Direk, sobrang mahal ka namin. The door is open. Direk I need you, we need you here.

Kailangan ko ng isang director na katulad mo para maturuan kami rito.

“Direk, halika na rito, samahan mo na kami rito, Mr. Johnny Manahan. Mr. M,” sey pa ni Willie.

The post Willie niyaya si Mr. M sa Wowowin: Direk, halika na, samahan mo na kami rito appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments