Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Thea balak sumugal sa negosyo ngayong 2021; Sunshine, Sheryl matindi ang pagbabalik

ISA sa mga pangarap na nais tuparin ngayong 2021 ng Kapuso kontrabida na si Thea Tolentino ay ang magkaroon ng sariling negosyo.

“Mayroong nakapag-inspire sa akin na mag-venture to business, food business po siya,” kuwento ni Thea sa panayam ng GMA.

“Magandang opportunity ‘yung ibinigay niya sa akin kasi sinasabi niya ituturo niya sa akin talaga bago niya ipa-handle sa akin ang isang franchise ng business,” aniya pa.

Ngunit sabi ng dalaga, hindi pa niya maidedetalye ang tungkol dito dahil nais muna niyang makasiguro tungkol dito.

“Hindi pa 100 percent sure pero dahil po sa kanya na-inspire ako na talagang pag-isipan na rin ‘yung business, sarili kong business,” aniya pa.

Samantala, mukhang magiging mainit at katakam-takam ang kumpetisyon na mangyayari sa pagitan nina Thea Tolentino at Kelvin Miranda sa seryeng “The Lost Recipe” na napapanood na sa GMA News TV. 

Magkalaban sa restaurant business ang mga karakter na gagampanan nina Thea at Kelvin.

“Ako po dito si Ginger Romano. Family namin ang direct competitor ng restaurant ni Kelvin. Magfo-focus ang character ko sa pakikipag-compete talaga sa food industry dahil kami ang leading restaurant na may masarap na adobo.

“At gagawin ng family namin ang lahat para matalo ang restaurant ni Kelvin,” kuwento ni Thea tungkol sa kanyang role.

Marami ang nagkukumpara sa “The Lost Recipe” sa look at feel ng mga K-Drama na patok na patok pa rin sa mga Pinoy.

Ang kagandahan nga raw sa serye ay ibibida naman nito ang mga makasaysayang landmark ng Maynila bukod pa sa  mga masasarap na Filipino food tulad ng adobo.

                         * * *

Muling tinutukan ng Kapuso viewers ang pagbabalik sa telebisyon ng GMA Afternoon Prime series na “Magkaagaw” nitong Lunes, Jan. 18.

Ayon sa cast ng serye, hindi sila nakaramdam ng pressure sa pagbabalik nito lalo na’t maganda ang materyal na nakuha nila mula sa lock-in taping noong Disyembre.

Kuwento ni Sunshine Dizon, “Feeling ko naman, matindi ang pagbabalik namin kaya aabangan talaga nila.”

Agree naman si Sheryl Cruz dito. Aniya, “We put it in God’s hands. Kasi we already did our part as an actor and it’s time na ipakita naman sa amin ng mga tagasuporta namin ang kanilang pagmamahal at suporta para sa show.”

Para kay Jeric Gonzales, proudest moment niya ang pagiging parte ng show, “Hindi siya pressure kasi ito ang proudest moment ko dahil natapos ko siya.

“Sa sobrang hirap, dito ako nag-grow as an actor and proud ako na natapos ko ito. Masasabi ko na maganda talaga siya.”

Napapanood ang “Magkaagaw”  pagkatapos ng “Eat Bulaga”, sa GMA.

The post Thea balak sumugal sa negosyo ngayong 2021; Sunshine, Sheryl matindi ang pagbabalik appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments