Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

SSS malulugi ng P41.37 bilyon kung hindi matutuloy ang rate hike

Inquirer

Umaapela ang Social Security System sa mga miyembro ng House of Representatives na maging objective at huwag nang harangin pa ang napipintong pagtataas ng singil sa kontribusyon.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Office Aurora Ignacio, kailangan na balansehin ng mga mambabatas ang epekto kung maantala ang naka-schedule na rate hike ngayong taon.

“At the outset, we have expressed our opposition to these proposals because of its adverse financial impact to the financial health of the SSS and jeopardize the benefits of members, pensioners and their beneficiaries. However, we support any measures that will benefit our stakeholders as long as it will prioritize the long-term sustainability of the pension fund,” pahayag ni Ignacio.

Tiyak aniyang mahihirapan ang SSS na tustusan ang pagbibigay pensyon at iba pang benepisyo kung hindi itataas ang singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito.

Nasa P15 hanggang P100 ang buwanang rate increase ng mga employed members habang nasa P30 hanggang P200 ang itataas na singil sa mga self-employed at voluntary members.

Nasa P80 hanggang P200 naman ang dagdag kontribusyon sa mga overseas Filipino workers.

“The new contribution rate is just minimal. However, its impact on the SSS fund life will benefit current members and future generations. Every additional peso they will contribute can help strengthen our financial viability and allow us to fulfill our obligations to our members and pensioners in the decades to come,” Ignacio said.

Tinatayang nasa P41.37 bilyon ang malulugi sa SSS kung hindi maitutuloy ang rate hike.

“We estimated a projected loss amounting to P41.37 billion for 2021 alone. And this amount will also continue to increase annually, cutting short the SSS fund life and adding to the contingent liability of the pension fund which is already estimated in the trillions of pesos,” pahayag ni Ignacio.

“We understand that we are currently in a pandemic situation, but we are appealing to lawmakers to look into the significance and long-term impact of adjusting the SSS contributions for its 38.8 million current members and future members as well,” dagdag ni Ignacio.

Sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, ipatutupad ang biennial 1% contribution rate hanggang 2025.

The post SSS malulugi ng P41.37 bilyon kung hindi matutuloy ang rate hike appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments